Kathryn Bernardo ikinumpara ni Dolly de Leon kay Nora Aunor: 'Walang kaere-ere, sobrang cool na babae' | Bandera

Kathryn Bernardo ikinumpara ni Dolly de Leon kay Nora Aunor: ‘Walang kaere-ere, sobrang cool na babae’

Ervin Santiago |July 09,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo ikinumpara ni Dolly de Leon kay Nora Aunor: ‘Walang kaere-ere, sobrang cool na babae’

Ervin Santiago - July 09, 2023 - 10:22 AM

IKINUMPARA ng award-winning international actress na si Dolly de Leon si Kathryn Bernardo sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Walang masabi si Dolly tungkol kay Kath kundi puro magagandang salita matapos ang ilang linggong pagsasama nila sa shooting para sa pelikulang “A Very Good Girl” under Star Cinema.

Puring-puri ng veteran actress si Kathryn lalo na ang kabaitan at pagiging professional nito sa trabaho. Inihambing pa nga niya ito sa National Artist na si Ate Guy.

Aniya, tulad ni Ate Guy, napaka-humble at sobrang marespeto rin ng girlfriend ni Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Kathryn TV lang ang pangarap dati, ngayon nagpapatayo na ng dream house; ‘nakipag-deal’ kay Dolly de Leon

“Walang kaere-ere, wala at all. In fact, ang nakikita ko talaga sa kanya, honestly, is parang batang Ate Guy. Kasi she’s so friendly. Di ba, ganu’n si Ate Guy.

“She’s always welcoming and very warm. So that’s what I learned from her, to be a very warm person and to be you know a person for the people,” pahayag ni Dolly.

“Sobrang cool na babae. Ang tingin ko kasi sa kanya dati, parang nerd na parang ano, geek, na parang boring. Cool siya. Sobrang cool. She has many facets. She’s fun to be with.

“She’s funny. Nakakatawa siya. She’s kalog. She knows a lot. I’m learning a lot from her. Not just about the industry, but a lot of things,” paglalarawan pa niya kat Kathryn.

Sa direksyon ni Petersen Vargas at sa panulat ni Marionne Dominique Mancol,  ang “A Very Good Girl” ang magiging comeback movie ni Kathryn makalipas ang ilang taon.

Kamakailan, naimbitahan ang internationally-acclaimed Filipina actress para maging member ng Academy Awards kasama sina Taylor Swift, The Weeknd, Daniel Kwan at Daniel Scheinert.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo ikinumpara ni Lolit kay Marian Rivera, tinawag pang ‘sweet and sour old lady’

Bong ikinumpara si Beauty kay Lani: ‘Hindi siya nalalayo sa aking maybahay, sa height, talino at sa galing’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending