Bong ikinumpara si Beauty kay Lani: 'Hindi siya nalalayo sa aking maybahay, sa height, talino at sa galing' | Bandera

Bong ikinumpara si Beauty kay Lani: ‘Hindi siya nalalayo sa aking maybahay, sa height, talino at sa galing’

Ervin Santiago |June 05,2023
facebook
share this

Bong ikinumpara si Beauty kay Lani: ‘Hindi siya nalalayo sa aking maybahay, sa height, talino at sa galing’

Ervin Santiago - June 05, 2023 - 07:10 AM

Bong ikinumpara kay Beauty: 'Hindi siya nalalayo sa aking maybahay, sa height, talino, at sa galing'

Bong Revilla at Beauty Gonzalez

IKINUMPARA ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez sa misis niyang si Lani Mercado.

Nagsimula na kagabi ang pinakabagong action-comedy series ng GMA 7 na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis” at in fairness, promising naman ang show at mainit din ang pagtanggap ng manonood dito.

Kasama ni Sen. Bong sa Kapuso weekly series si Beauty Gonzalez kung saan gaganap sila bilang mag-asawa — sina  Tolome at Gloria. Ka-join din dito sina Max Collins, Kelvin Miranda at Kate Valdez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Well, I’m very, very excited. Pero siyempre nandu’n pa rin yung kaba. Natural na sa akin yun. Kapag hindi na ako kinabahan, mas natatakot ako nu’n. Pag kinakabahan ako, tiyak sasabihin ko maganda yung ginagawa natin,” pag-amin ng senador sa mediacon ng bago niyang show last May 26.

Aniya pa, “I’m very thankful sa lahat ng bumubuo ng GMA, at sa ating mga direktor, direk Enzo Williams and Frasco Mortiz. Sa lahat ng mga bumubuo ng cast na talaga namang… of course, Beauty, ang galing-galing niya, nagampanan niya yung role niya bilang Gloria.

“And, of course, si Max, si Tiya Lucing, Ms. Carmi (Martin), ang galing din. Actually lahat sila nag-fit du’n sa role. At siyempre, dalawang matigas na pulis ang ginawang pelikula, e, and then ngayon, ilalagay natin sa telebisyon, mapapanood ng mga tao.

Baka Bet Mo: Regalo ni Bong Revilla para sa 55th birthday ni Lani Mercado: ‘Katawan ko!’

“Hindi natin maiiwasan na iko-compare doon sa movie, pero sa tingin ko kung hindi man mapantayan, nalagpasan pa!

“So ganu’n, no? That’s why ninenerbiyos ako, nandun pa rin ang kaba, pero naniniwala ako na maiibigan ito ng ating manonood,” tuluy-tuloy na pahayag ni Sen. Bong.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang pelikulang “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis” na pinagbidahan din ni Bong kasama si Lani ay ipinalabas noong 1994. Nagkaroon pa ito ng part 2 ang “Yes Darling Walang Matigas Na Pulis 2” na ipinalabas naman noong 1997 kasama pa rin ang kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya naman natanong ang actor-politician kung paano niya idi-describe si Beauty na first time rin niyang nagkatrabaho.

“Well napakagaling na artista! In fact, even yung image niya, hindi naman nalalayo sa aking maybahay na si Lani. Yung height niya, yung talino niya, yung galing niya, in fact si Lani pa nga ang pumili sa kanya, e (para sa kanilang project).

“At nakita ko talagang magaling siya, talagang, sa totoo lang, nakita niyo naman yung mga ginawa niya sa trailer. Wala pa iyan, abangan niyo mismo kapag ipinalabas na tayo sa telebisyon,” aniya pa.

Pahayag pa ng senador, “Actually itong istorya ng Walang Matigas Na Pulis, actually this is my life story,” at tumawa si Senator Bong.

“Hindi… kung gaano kalapit? Base naman lahat ito sa first and second na ginawang movie, and then ito ngayong pangatlo, on television.

“So lahat, pero makikita mo naman yung iba-ibang attack naman na ginawa ni Beauty sa role ni Gloria. May ibang attack sa ginawa ni Lani, dito Bisaya siya [Beauty] so ibang klaseng dating, iba yung tapang niya rin, so iyon naman yung ibang dating,” sabi pa ni Bong.

Hirit pa niya, “Alam mo ang pagkakalapit lang du’n yung pagiging malapit din sa chicks. Ha-hahahaha! Hindi… feeling ko lang, trabaho lang ito, iipitin mo ako niyan,” ang sey pa ng aktor.

Kasama rin sa cast sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Nikki Co, Niño Muhlach, Jeric Raval, Maey Bautista, ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton, at si Raphael Landicho na napapanood din sa GMA Primetime action-adventure series na “Voltes V: Legacy”.

Bea Alonzo ikinumpara ni Lolit kay Marian Rivera, tinawag pang ‘sweet and sour old lady’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: ‘Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending