Jillian Ward ayaw pang magpaligaw kahit 18 na, pero umaming may real-life crush: ‘Nag-e-enjoy lang po ako ‘pag magkasama kami’
KAHIT 18 years old na ay ayaw pa ring magpaligaw at magka-boyfriend ng Kapuso youngstar na si Jillian Ward.
Mas gusto munang mag-focus ngayon ng lead star ng GMA afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap” sa kanyang showbiz career at pag-aaral.
Pero umamin si Jillian na bukod sa mga hinahangaan niyang K-pop idol, meron na rin siyang real-life crush ngayon at nag-e-enjoy daw talaga siya kapag magkasama sila.
“Aaminin ko po, siyempre hindi ko rin po maiwasan magka-crush din talaga,” ang pahayag ng tinaguriang Star of the New Gen sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.
Nang tanungin kung sino ang tinutukoy niya, “I’m gonna be very honest, parang nagkakaroon po ako ngayon ng real-life crush, pero hindi ko aaminin. Hindi ko aaminin kahit kanino kung sino ‘yun.”
“Nag-e-enjoy lang po ako kapag magkasama kami,” dagdag pa ni Jillian.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “In the first place, hindi ko rin po sila binibigyan ng chance na umamin. Ginagawa ko rin pong clear sa kanila na ayoko pa po. May perfect time naman din po talaga kasi ‘yun.”
Baka Bet Mo: Jillian Ward wish maging superhero: ‘Pag napapanood ko po si Wonder Woman nae-empower ‘yung pagkababae ko’
Paliwanag pa ng dalaga, ang mga nasa top priority niya ngayon ay ang kanyang sarili, pamilya at siyempre ang trabaho na siyang nagbibigay sa kanila ng maayos at magandang buhay.
“Kumbaga nga po dati kung sobrang strict po si mama at papa, na-adapt ko po talaga ‘yun sa sarili ko.
“So mas istrikto po ako sa sarili ko. Like ‘yung mga nasa paligid ko po sinasabi enjoy-in ko raw po pagkabata ko, kasi minsan lang daw po ako magiging bata at kikiligin nang ganito,” pahayag pa niya.
“Kumbaga darating din po ‘yon, ‘pag tumanda na po ako siyempre hindi ko na po lagi makakasama ‘yung family ko, mga kapatid ko magkakaroon sila ng sarili nilang family.
“So ine-enjoy ko po talaga na magkakasama po kami bago po ako ‘yung talagang hayaan ko ‘yung sarili kong ma-in love,” chika pa ng dating child star.
Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’
Jillian Ward sa pagbili ng ‘dream car’ na milyun-milyon ang halaga: I think deserve ko na po yun
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.