Jillian Ward wish maging superhero: 'Pag napapanood ko po si Wonder Woman nae-empower 'yung pagkababae ko' | Bandera

Jillian Ward wish maging superhero: ‘Pag napapanood ko po si Wonder Woman nae-empower ‘yung pagkababae ko’

Ervin Santiago |February 23,2023
facebook
share this

Jillian Ward wish maging superhero: ‘Pag napapanood ko po si Wonder Woman nae-empower ‘yung pagkababae ko’

Ervin Santiago - February 23, 2023 - 06:32 AM

Jillian Ward wish maging superhero: 'Pag napapanood ko po si Wonder Woman nae-empower 'yung pagkababae ko'

Jillian Ward

KUNG may isang wish na talagang ipinagdarasal na matuloy ng Kapuso young actress na si Jillian Ward, yan ay ang mabigyan ng pagkakataon na gumanap bilang superhero.

Bata pa lang daw ay talagang super amazed na siya sa mga superhero kaya naman mula noon hanggang ngayon ay nasa bucketlist niya ang makagawa ng superhero project.

Natanong si Jillian sa isang blogcon kung anu-ano pa ang kanyang dream roles bilang aktres at mabilis nga niyang isinagot na nais niyang gumanap na isang superhero.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


“Sa totoo lang po, gusto ko po mag-play as superhero kasi mahilig din po ako sa anime ganon, so kapag nanonood po ako feeling ko po nandoon ako sa anime.

“Gusto ko pong magka-role po talaga na superhero. Kapag napapanood ko po sina Wonder Woman parang nae-empower po ako ‘yung pagkababae ko.

“Gusto ko pong ma-experience po ‘yung ganon, ‘yung makapagbigay ng ganong impact po sa viewers,” pahayag ni Jillian sa ulat ng GMA.

Dugtong pa ng lead star ng Kapuso afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap”, “Kung anuman pong superhero po ‘yan, kahit nakakatawang superhero gusto ko pong gawin, astig po ang fight scenes.”

In fairness, sa Instagram account ni Jillian ay marami siyang post na nakasuot ng superhero costumes, kabilang na ang pagiging Wonder Woman at Spider-Woman.

Samantala, super excited na rin ang Kapuso star sa kanyang 18th birthday. Aniya, ilan sa inimbitahan niya sa kanyang debut party ay ang “Abot-Kamay Na Pangarap” co-stars niyang sina Carmina Villarroel at Jeff Moses, Sen. Bong Revilla, Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Ken Chan at marami pang iba.

Ogie Diaz sa acting ni Jillian Ward: Sana nag-immerse muna sa ospital para naaaral ang character

Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jillian Ward sa pagbili ng ‘dream car’ na milyun-milyon ang halaga: I think deserve ko na po yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending