Ogie Diaz sa acting ni Jillian Ward: Sana nag-immerse muna sa ospital para naaaral ang character
PINUNA ng talent manager na si Ogie Diaz ang pag-arte ng Kapuso star na si Jillian Ward sa kanyang teleseryeng “Abot Kamay Na Pangarap”.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi nito ang kanyang opinyon nang minsan niyang mapanood ang dalaga.
“Nakanood ako sandali ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa GMA. Alam ko mahusay itong si Jillian Ward umarte e,” panimula ni Ogie.
Ngunit parang hindi ito makita ng talent manager matapos niya itong mapanood sandali sa naturang programa.
“Pero dito sa serye, tamad siyang umarte. Doktor/nurse pa naman ang role. Walang tensyon sa katawan. Sana, nag-immerse muna sa ospital para naaaral ang character. Sayang,” dagdag pa ni Ogie.
Marami naman sa mga netizens ang umalma sa naging komento ng vlogger at talent manager.
Maging ang ilan pang mga medical practitioners ay nag-reply sa tweet ni Ogie at dinipensahan si Jillian.
“As a medical professional, wala akong nakikitang mali sa pag arte o galaw nya. Kasi hindi rin naman kailangan na tensyonado ka sa loob ng hospital,” saad ng isang netizen.
Nakanood ako sandali ng “Abot Kamay Na Pangarap” sa GMA. Alam ko mahusay itong si Jillian Ward umarte, eh. Pero dito sa serye, tamad siyang umarte. Doktor/nurse pa naman ang role. Walang tensyon sa katawan. Sana, nag-immerse muna sa ospital para naaaral ang character. Sayang.😔
— ogie diaz (@ogiediaz) September 27, 2022
Comment naman ng isa, “Hindi rin naman 100% accurate yung mga napapanood nyo sa medical drama na tensyonado ang mga doctor o puno ng emosyon. Skills at judgment ang pinapagana namin. Pag inunahan mo ng emosyon, it might cloud your judgment.”
“Fyi, nag immerse sila sa hospital para sa role nila. They even watched a live brain surgery. As a medical professional, wala akong nakikitang mali sa pag arte o galaw nya. Kasi hindi rin naman kailangan na tensyonado ka sa loob ng hospital,” sey pa ng isa.
Maski ang mismong direktor ng naturang Kapuso teleserye na si L.A. Madridejos ay nagsalita na rin patungkol sa komento ni Ogie.
“Sir @ogiediaz magandang hapon. Maraming salamat sa comment. Pero one thing na kaya ko issure is inaral ni Jillian ang role nya. Kung may nagkamali po siguro ay ako. Or baka yun ang hiningi ng eksena. Pero will keep this in mind po para maimprove pa ang show. Salamat po,” saad ng direktor.
Wala naman naging reply si Ogie patungkol sa komento ng direktor.
Sa isang retweet naman niya, napansin rin niya ang mga shots at sinabing sana pati ito ay maiayos.
“Sana din yung cinematography, inaayos. Para di mukhang nasa langit ang shot. Pero mai-improve pa yan,” sey pa ni Ogie.
Related Chika:
Jillian Ward inaatake ng matinding nerbiyos dahil sa bagong serye, gaganap na batang doktor: Ang hirap pala, ang daming mine-memorize
Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang
Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.