Neri Miranda umamin, ‘best decision’ raw ang ma-in love kay Chito Miranda
ISA sa mga best decision raw ng dating aktres na si Neri Miranda ay nang ma-fall in love siya sa Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.
Sa kanilang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, September 28, napag-usapan nila ang kwento ng kanilang buhay mag-asawa pati na rin ang pagiging “wais” lalo na sa pera.
Chika ni Neri, noon daw talaga ay magastos siya lalo na kapag alam niyang may darating na trabaho at nagbibilang na siya agad kahit hindi pa dumarating ang pera sa kanya. Ngunit nang makilala raw niya si Chito ay nakita niya kung gaano ito kawais sa pera.
Pagbabahagi ni Chito, “This is what I always say. Even if you have a lot of money, live [within your means]… We never live lavishly.”
Sey rin ni Neri, sa asawa niya natutunan kung paano magtipid ng pera at kung paano i-manage nang maayos ang kanilang finances.
Matapos ang pagbibigay tips ay sumabak ang dalawa sa “Fast Talk”.
Sey ni Tito Boy, “Complete the sentence, ‘Wais ako dahil—”
Sey ni Neri, “Wais ako dahil na-in love ako sa isang Chito Miranda.”
View this post on Instagram
“Best decision talaga, Tito Boy. Iba!”dagdag pa ni Neri.
Labis rin ang pasasalamat ng dating aktres sa kanyang asawa.
“Gusto kong mag-thank you kay Chito. Actually lagi akong nagpapasalamat kay Chito kasi si Chito talaga ‘yung lakas ko Tito Boy. Lagi kong sinasabi sa kaniya ‘Baby be healthy kasi, huwag naman, kung mawawala ka, totally hindi ko alam ang mangyayari sa akin,” lahad ni Neri.
Pagpaptuloy niya, “Kasi alam naman ng mga tao na talagang grabe ako ipagtanggol ng asawa ko, grabe ‘yung suporta niya sa akin. Walang taong gumawa at gagawa no’n kundi ‘yung asawa ko. So, I love you.”
Related Chika:
Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.