Viy Cortez pumayat, mula 94kg naging 60kg na lang: Kung wala pong disiplina sa pagkain, wala pong mangyayari | Bandera

Viy Cortez pumayat, mula 94kg naging 60kg na lang: Kung wala pong disiplina sa pagkain, wala pong mangyayari

Therese Arceo - September 28, 2023 - 02:47 AM

Viy Cortez pumayat, mula 94kg naging 60kg na lang: Kung wala pong disiplina sa pagkain, wala pong mangyayari

IBINANDERA ng social media personality at entrepreneur na si Viy Cortez ang kanyang journey ng pagpapapayat.

Sa kanyang Facebook post ay proud niyang ibinahagi ang kwento sa likod ng kanyang muling pagpayat matapos ang kanyang panganganak sa kanilang panganay ni Cong TV na si Kidlat.

“From 94klo pagkapanganak naging 60klo nako dahil sa pag tanggal ng rice pati pag babawas na din nga mga masasamang pagkain at pag inom ng [slimming drink],” pagbabahagi ni Viy.

Biro pa nga niya, sa pagbabawas niya ng pagkain ay may mga pagkakataong kumakain ng lomi ang kanyang mga kasama pero siya ay nakatitig lang.

“[A]t ngayon panahon na para dagdagan ng exercise dahil lalawlaw na tayo mga mamshie,” sey pa ni Viy.

Nagsimula na nga rin siyang mag-gym kasama ang iba pang miyembro ng Team Payaman.

Baka Bet Mo: Viy Cortez ibinandera ang tiyan na may stretch marks: Hindi ko ikinakahiya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kaya naman 4 na araw na ko nag gy-gym ipagdasal nyo naman ako na matagalan ko to hahahaha. Plus sumusubok din ako mag tennis ngayon. Pero nag aaral pako hahahaha,” chika pa ni Viy.

Pinabulaanan rin niya ang mga chikang sumailalim siya sa liposuction at pabirong sinabi na baka gawin niya ito kapag nakatatlong anak na sila ni Cong.

Pinaalalahanan rin ni Viy ang mga taong nais magpapauat ng kahalagahan ng disiplina sa sarili.

“Ps kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare kailangan nyo po ito samahan ng effort para mas makita nyo ang result.

“Dahil nawalan po ako ng gana kumain nakaya ko mag tanggal ng rice (galing ako sa pagpapadede kaya ko umubos isang kaldero noon) pwede ba kayo pumayat ng walang iniinom? Aba oo naman kung kaya nyo magbawas ng kain at mag exercise go! Sadyang ako di ko kaya,” sey ni Viy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangako rin ito na naglalabas ng vlog ukol sa kanyang pagpapapayat.

Related Chika:
Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending