Viy Cortez ibinandera ang tiyan na may stretch marks: Hindi ko ikinakahiya | Bandera

Viy Cortez ibinandera ang tiyan na may stretch marks: Hindi ko ikinakahiya

Therese Arceo |August 29,2023
facebook
share this

Viy Cortez ibinandera ang tiyan na may stretch marks: Hindi ko ikinakahiya

Therese Arceo - August 29, 2023 - 05:44 PM

Viy Cortez ibinandera ang tiyan na may stretch marks: Hindi ko ikinakahiya

PROUD na ibinandera ng social media influencer na si Viy Cortez ang kanyang katawan matapos ang mahigit isang taon niyang panganganak.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi nito ang larawan na kung saan kita ang kanyang lumaking tyan na may mga stretch marks na resulta ng kanyang panganganak.

“Makatawag kayong barviy [Barbie] ito padin po tiyan ko pag nakaupo with kamot hahahahahaha,” saad ni Viy sa caption.

Dagdag pa niya, “Hindi ko kinakahiya dahil magiging bahay pa yan ng susunod naming anak.”

Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang people ang naturang post ni Viy.

“Still beautiful ms. Viy Cortez, praying to have that kind of stretchy. Been trying hard to have a baby pero hindi pa siguro talaga time,” komento ng isang netizen.

Sundot naman ng isa, “Hindi lahat nabibigyan ng chance magkaron ng ganyan. I’d give up anything mabigyan lang ako ng chance maging mommy. Then I’m going to flaunt every line!”

Baka Bet Mo: Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: ‘Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“ok lang yan Ms Viy… mark of motherhood. something to be proud of as a mother,” sey naman ng isa.

Matatandaang August 2022 nang ipanganak niya ang panganay nilang anak ng kapwa content creator na si Cong TV.

Bago pa ang pagpo-post ni Viy ng larawan na kita ang kanyang stretch marks ay maraming netizens ang laging pumupuri sa kanya dahil sa mabilis nitong pagpapapayat buhat nang ipanganak si Kidlat.

Sa loob ng ilang buwan ay na-achieve nito ang mas mababang timbang sa kabila ng pagiging abala sa pag-aalaga sa anak at pamamahala ng kanyang mga negosyo.

Sa ngayon ay kitang-kita naman na happy si Viy sa kanyang buhay pamilya at bagong hobby, ang pagmo-motor, na nagsimula dahil na rin sa hobby ni Cong pati ng iba pa niyang kaibigan sa Team Payaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Engaged na rin ang dalawa noong November 2022 ngunit hindi pa sinasabi kung kailan magaganap ang kanilang kasal ngunit kinunan na ang kanilang pre-nup sa Japan noong nakaraang buwan.

Related Chika:
Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending