Kim nag-explain kung bakit wala sa kasal ni Maja: 'Hindi kami sobrang close at hindi naman kami masyadong nag-uusap' | Bandera

Kim nag-explain kung bakit wala sa kasal ni Maja: ‘Hindi kami sobrang close at hindi naman kami masyadong nag-uusap’

Alex Brosas |September 25,2023
facebook
share this

Kim nag-explain kung bakit wala sa kasal ni Maja: ‘Hindi kami sobrang close at hindi naman kami masyadong nag-uusap’

Alex Brosas - September 25, 2023 - 03:07 PM

Kim nag-explain kung bakit wala sa kasal ni Maja: 'Hindi kami sobrang close at hindi naman kami masyadong nag-uusap'

Kim Chiu at Maja Salvador

SINAGOT ng “It’s Showtime” host na si Kim Chiu ang lahat ng tanong sa kanya during her latest vlog sa Youtube channel niya.

Walang inurungang tanong si Kim, maging ang tanong kung bakit wala siya sa kasal ni Maja Salvador ay sinagot din niya.

“Hindi naman kami sobrang close na ni Maja and hindi naman kami masyadong nag-uusap.

“Siyempre, kapag kasal mo gusto mo ‘yung mga taong gusto mo lang na nandidiyan to witness your love sa partner mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Hindi ako naimbita pero okay lang. Wala talaga. Sobrang happy ako para sa kanya. Minessage ko naman siya and na-touch naman ako noong minessage niya ako dahil doon sa nangyari sa ate ko.

“Sabi niya, pinagpe-pray niya ang ate ko and sana daw ay okay ako. Nakausap ko siya noong may nangyari sa ate ko,” paliwanag niya.

May naging issue kina Maja at Kim. Dati kasing dyowa ni Kim si Gerald Anderson. Nagulat na lang siya nang malamang BF na ni Maja ang aktor. Sa isang presscon ng pinagbidahan nilang “Ina, Kapatid, Anak”, nagpatutsadahan ang dalawa.

Baka Bet Mo: Coco nagparamdam kay Maja: Sobrang ganda at sexy niya ngayon, tapos walang boyfriend!

Sa tanong kung ano ang ginagawa niya para hindi siya tamarin na mag-workout, ito ang sagot ng dalaga, “Halos everyday talaga ako nagwo-workout. Four to five times a week ako nagwo-workout.

“Iyon talaga ang pangsimula ko ng araw ko kasi sa Showtime super, super high energy. Bawal ‘yung walang energy. So, doon ko talaga sinisimulan ang araw ko. Pina-pump out ko talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


“Ito ‘yung napansin ko. First 10 to 15 minutes, utak mo ‘yung magsasabi na ‘wag, tinatamad ka, pagod ka. Pero kapag nalagpasan mo ‘yung 10 to 15 minutes, ‘yun na ‘yung medyo didire-diretso ka na.

“Tatamarin ka lang talaga ng 10 minutes or tatamarin kang magsimula kaya ‘pag gising mo, suotin mo na ‘yung pang-workout mo, magkape ka for 10 minutes. After noon, gising ka na and ready ka na mag-workout,” dagdag pa niya.

When asked kung gusto niya rin na maging ina in the future, oo ang sagot ng dyowa ni Xian Lim.

“As a mother, oo naman. Siguro naman ay darating tayo sa punto ng buhay natin. Saka karamihan naman sa mga babae ay yun talaga ang pangarap nila, maging mother. Hindi pa nga lang siguro para sa akin today kasi nagba-vlog pa kasi ako, eh. Ha-hahaha,” say niya.

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea mas matigas daw ang puso kay Maja kaya hindi pa rin mapatawad si Gerald, hirit ng netizens: ‘Mas matindi naman kasi ginawa sa kanya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending