Bea mas matigas daw ang puso kay Maja kaya hindi pa rin mapatawad si Gerald, hirit ng netizens: 'Mas matindi naman kasi ginawa sa kanya' | Bandera

Bea mas matigas daw ang puso kay Maja kaya hindi pa rin mapatawad si Gerald, hirit ng netizens: ‘Mas matindi naman kasi ginawa sa kanya’

Ervin Santiago |September 06,2023
facebook
share this

Bea mas matigas daw ang puso kay Maja kaya hindi pa rin mapatawad si Gerald, hirit ng netizens: ‘Mas matindi naman kasi ginawa sa kanya’

Ervin Santiago - September 06, 2023 - 01:18 PM

Bea mas matigas daw ang puso kay Maja kaya hindi pa rin mapatawad si Gerald, hirit ng netizens: 'Mas matindi naman kasi ginawa sa kanya'

Gerald Anderson, Bea Alonzo, Maja Salvador at Rambo Nuñez

NAPANATILI pala ng dating magdyowa na sina Maja Salvador at Gerald Anderson ang kanilang pagkakaibigan kahit na hindi nag-work ang kanilang relasyon.

Maraming fans ang natuwa nang mag-viral ang naging eksena ng ex-celebrity couple nang muling magkrus ang landas sa naganap na FIBA Basketball World Cup 2023 kamakailan sa Philippine Arena sa Bulacan.

Napanood namin sa isang TikTok ang video clip kung saan mismong si Gerald ang lumapit sa kinaroroonan ni Maja at ng asawa nitong si Rambo Nuñez. Nasa may front seat area ng Philippine Arena.

Nanood ang mga ito sa first game ng Gilas Pilipinas laban sa Dominican Republic na ginanap noong nagdaang August 25.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


Binati ng Kapamilya actor si Rambo na nagyakapan pa at saka nilapitan si Maja. Nagbeso ang dalawa sabay may pa-smile pa sa isa’t isa.

Pero bukod sa muling pagkikita nina Maja at Gerald, agaw-eksena rin ang naging reaksiyon ng engaged couple na sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray na nakapuwesto sa likod.

Hirit ng netizens parang nag-Marites daw ang dalawa sa pagbebeso nina Maja at Gerald.

Baka Bet Mo: Coco nagparamdam kay Maja: Sobrang ganda at sexy niya ngayon, tapos walang boyfriend!

Matatandang 2015 nang maghiwalay sina Maja at Gerald. Sa ngayon ay masaya na rin ang hunk actor sa piling ng kanyang dyowang si Julia Barretto.

Samantala, may mga nagkomento naman na hindi tuluyang nawasak ang samahan ng dating magdyowa dahil never nagsalita ng masama si Maja laban kay Gerald noong maghiwalay sila.

Hindi raw tulad ng ex-GF ng aktor na si Bea Alonzo na talagang ipinagsigawan sa buong universe ang panggo-ghost sa kanya pati na ang umano’y pagtataksil nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


Sey ng mga netizens, mukhang mas matigas daw ang puso ni Bea kesa kat Maja kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatawad ng fiancée ni Dominic Roque si Gerald.

Maaalalang sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” natanong siya ng, “Kaya mo bang makipagkaibigan kay Gerald, not now but in the future?”

Sagot ni Bea, “Hindi, because I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn’t take responsibility for his actions. So, siguro hindi.”

Sey pa ni Bea, ang hinding-hindi niya makakalimutang kasalanan sa kanya ni Gerald ay, “Siguro yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did.”

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tita ni Maja na nagpa-kidney transplant at gumaling sa cancer, namatay dahil sa COVID

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending