Coco nagparamdam kay Maja: Sobrang ganda at sexy niya ngayon, tapos walang boyfriend! | Bandera

Coco nagparamdam kay Maja: Sobrang ganda at sexy niya ngayon, tapos walang boyfriend!

Ervin Santiago |August 20,2015
facebook
share this

Coco nagparamdam kay Maja: Sobrang ganda at sexy niya ngayon, tapos walang boyfriend!

Ervin Santiago - August 20, 2015 - 02:00 AM

coco martin

NAPAHALAKHAK nang todo si Maja Salvador sa presscon ng FPJ’s: Ang Probinsyano matapos ipalabas ang VTR kung saan nagsalita si Coco Martin tungkol sa pagbabalik-tambalan nila sa nasabing serye matapos ang mahabang panahon.

Unang nagkasama sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin ang dalawang Kapa- milya stars na sinundan pa ng sexy-drama na Nagmula Sa Puso.

Sabi kasi ni Coco nasasabik na siyang makita kung anong klaseng pagbabago ang makikita sa kanilang chemistry ni Maja, “Kung dati bagets bagets pa kami, ngayon medyo matured na and then na excite ako kung anong dynamic ang pwede naming ipakita sa tao.”

“Excited kasi, una ang ganda niya, saka napa-kasexy niya ngayon. Wala siyang boyfriend,” pag-isa-isa ni Coco sa dahilan kung bakit excited siya sa uling pagsasama nila ni Maja sa Ang Probinsyano.

Pagkasabi naman ni Coco nito ay talagang tumawa nang napakalakas ang aktres sabay sabing “Nakakaloka ‘to si Coco!”

“Kasi natawa ako dahil nu’ng pictorial namin sinasabi ko sa kanya ‘medyo nagkakalaman tayo Co ha, gumaganu’n ako. Tapos sabi niya, ‘At least yung ganitong katawan loyal to.

Ikaw kasi gusto mo yung may mga abs!’ Kaya natatawa ako kasi hanggang du’n sa interview niya na parang very vocal siya na single siya tapos ako naman walang boyfriend.

Ang totoo lang talaga ni Coco,” paliwanang ng ex-girlfriend ni Gerald Anderson. Tinanong naman si Maja sa solo presscon niya para sa Ang Probinsiyano under Dreamscape Entertainment, kung maaari bang maging totohanan na ang loveteam nila ni Coco o na talagang bentang-benta pa rin naman sa fans nila, “Tingnan natin kasi naka-lock pa ang puso ko.

Trabaho muna kami ni Coco kasi ngayon parang mahirap isingit sa taping ang landian at lovelife kasi mga pulis kami rito,” ang game na game na sagot ng dalaga.

Mahirap raw talagang magkaroon ng sweet moments kasi maaksyon ang gagawin nilang serye at ayon kay Maja talagang focus siya sa muling pagsabak sa serye at iba pa niyang commitments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At mukhang palong-palo nga talaga ngayon si Maja sa mga biyayang natatanggap niya. Bukod pa raw kasi sa Ang Probinsyano meron pa raw siyang up coming movie under Star Cinema at Viva Films.

May hirit pa siya na may isang big event na mangyayari sa kanya this year na dapat niyang paghandaan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending