Tita ni Maja na nagpa-kidney transplant at gumaling sa cancer, namatay dahil sa COVID | Bandera

Tita ni Maja na nagpa-kidney transplant at gumaling sa cancer, namatay dahil sa COVID

Reggee Bonoan - March 24, 2021 - 05:32 PM

“MASAYA ako kung paano ako tinatrato ng TV5, Cignal, Cornerstone at Spring Films.

“Wala po akong exclusive contract, freelancer ako kaya grateful ako sa offer ng TV5 dahil masaya sila na gagawa ako ng teleserye,” ang pahayag ni Maja Salvador sa ginanap na virtual mediacon para sa teleserye niya sa TV5 na “Niña Niño” ngayong hapon.

Pero ipinagdiinan ng aktres na hindi niya minemenos ang ABS-CBN dahil maganda ang ibinigay sa kanyang pag-aalaga sa ilang taon niyang pananatili bilang Kapamilya.

Hindi raw niya ito malilimutan habang nabubuhay siya dahil talagang binago ng network ang buhay niya pati ng kanyang buong pamilya.

Ang “Niña Niño” ay tungkol sa pananampalataya sa Panginoong Diyos kaya natanong si Maja kung may personal experience na siya na sinubok ang faith niya o nagkaroon ng milagro sa buhay niya.

“Actually, everyday lagi kong ipinagdarasal kay God, nagpapasalamat ako lagi, sa bawa’t paggising ko isang malaking milagro na po ‘yun,” sabi ng aktres.

Light drama at comedy ang serye ni Maja kaya aminado si Maja na malaking challenge ito sa kanya dahil nasanay siya sa mga teleseryeng nagawa niya sa ABS-CBN na heavy drama.

“Mahirap po palang magpatawa, ang hirap pala, mas madaling umiyak.  So ito ang challenge for me na hindi OA (over acting). Hindi pala madaling maging komedyante.

“‘Yung pag balanse ng comedy at drama kasi sa totoong buhay hindi lang naman tayo puro problema o kalungkutan, nadadaan din natin sa pagpapatawa, so ‘yun po ang challenging sa akin,” paliwanag ng aktres.

Ipalalabas ang “Niña Niño” simula Abril 5, 7:15 p.m., pagkatapos ng Easter Sunday, kaya nahingan ng mensahe si Maja para sa mga Pinoy na dumaranas pa rin ngayon ng hirap dahil sa COVID-19 pandemic.

“Ang hirap nitong buong linggo para sa akin kasi ‘yung tita ko na nagpa-kidney transplant, survivor siya for 20 years nailaban niya ‘yun. She had also cancer stage 4, nailaban niya ‘yun tapos naoperahan pa siya nu’ng December nailaban niya ‘yun and then nahawaan po siya ng COVID, she just died three days ago,” seryosong kuwento ng aktres.

“Kaya it’s very difficult for me kaya lahat ng plans ko for Holy Week kinansel ko kasi hindi po biro ang coronavirus na meron tayo, so I think itong Holy Week, mag-stay lang tayo sa ating mga bahay-bahay to help our frontliners din and para ibigay din natin kay Papa God ‘yung linggong ‘yun para mag-reflect at magpasalamat at humingi ng proteksyon sa nangyayari sa buong mundo,” aniya.

Malaki ang utang na loob ng aktres sa namatay niyang tiyahin na first cousin ng mama niya dahil ito ang nag-alaga sa kanila simula nu’ng lumuwas sila ng Maynila at nanirahan sa bahay nito.

“Kaya ganu’n din po kalakas ang faith ko kay God kasi bata palang ako ay bitbit niya ako sa simbahan,” sambit ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, makakasama ni Maja sa “Niña Niño” sina Noel Comia, Jr., Empoy Marquez, Moi Bien, Arron Villaflor, Ruby Ruiz, Lilet Esteban, Junyka Santarin, Dudz Terana at Ian Pangilinan, sa direksyon ni Thop Nazareno at mula sa TV5, Cignal, Spring Films at Cornerstone Studios.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending