Sharon hindi papalag kung una si Gabby sa billing sakaling gagawa sila ng pelikula: ‘Pero sa kantahan, sa concert una ako…du’n lang tayo sa totoo’
SINIGURO ng dating mag-asawa na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na hindi masasayang ang pera ng lahat ng manonood sa kanilang “Dear Heart” concert sa October 27 sa SM MOA Arena.
Nag-promise ang Megastar at ang Ultimate Leading Man na pakikiligin at paliligayahin nila ang audience, lalo na ang kanilang loyal fans and supporters na matagal nang umaasa sa kanilang reunion project.
Sure na sure rin si Sharon na magugustuhan ng mga manonood sa “Dear Heart” ang lahat ng kakantahin nila ni Gabby na sila mismo ang pumili.
“It’s songs that if you grow up with us, siyempre lahat tayo, all the Sharon-Gabby fans, all our followers, have grown up with us, are now parents also,” sabi ng nag-iisan Megastar sa naganap na mediacon ng “Dear Heart” last September 15.
View this post on Instagram
“This is a trip down memory lane. It’s our story. And there’s going to be… it will have a thread through it. It will have a story.
“It wil have memorable, memorable moments. If you know us very well, you will recall your teenage years, and the movies that we made that made you love us.
“This is an honest-to-goodness concert. At hindi ako magpapaka… parang si Regine (Velasquez).
Baka Bet Mo: Sharon, Gabby muling pinakilig ang mga Sharonians, nag-kiss sabay hug sa presscon ng kanilang ‘Dear Heart’ concert
“When Regine and I performed together, we all know Regine’s voice, right? Her power. And kahit walang mic, kaya niyang kumanta nang madidinig nang hanggang dulo ng Araneta o MOA.
“But Regine is such a generous co-performer. Na pag sinabi kong, ‘Okay lang yan, magpa-halimaw ka diyan, kasi ikaw yan!’ Tapos sasabihin niya, ‘Hindi, Ate, meron naman akong solo, e.’
“So, I will not, kumbaga, Gabby can expect me to have his back. I will work with him, and the show will be great na walang sapawan.
“Aalalay ako kung kailangan. And alam niyo naman, comfort zone ko yung stage. Puwede nga akong humiga du’n, matulog. Magmula nu’ng nene ako, du’n na ako, e. Any stage. So, parang I know he’s not used to a big venue like this, much less a full concert.
“So I will be there for him. I’ll make alalay. Ang request ko lang, buuin niya yung mga kanta. Ha-hahahaha! May boses naman si Gab.
“Oy, ang vocal coach niya nu’ng ni-record niya yung ‘Come What May’ ako. Talon ako nang talon pag maganda. Kasi boyfriend ko siya, okay!?” sey ng aktres at singer.
Kuwento naman ni Gabby, “Pag nagsu-show ako, hindi ako yung typical show na ginagawa nina Ogie (Alcasid), nina Martin (Nievera), nina Gary (Valenciano), ganyan!
“Siyempre ako, I started out as an actor, and yun ang aking first love. Pero meron akong disclaimer. Lahat po ng gagawin kong kanta, I will just turn into acting out.
“So, pakinggan na lang ho ninyo kung magiging okay yung ano, mga kanta ko, pumalakpak na lang kayo kung okay yung acting ko.
“Basta, sa wakas natuloy din ito. At tayong mga lumaki na kasama sila, hopia that everything will go well. Love, love, love forever!” sabi ng aktor.
Nabanggit naman ni Mega na may isa siyang production number kung saan makakasama niya ang tatlong super special guest, “Sabihin na lang natin na mga established singers yung kasama ko. Du’n lang ako totoong singer na singer, ha!
View this post on Instagram
“Ilalabas ko lahat ng natutunan ko kay Regine at kay Mama Helen (Gamboa). Du’n lang. Pero the whole show will be Gabby and Sharon.
“And by the way, ngayon ko na sasabihin ito. Dapat pag may pelikula, una talaga si Gabby sa billing. Kasi it’s been Sharon and then him since Dear Heart. And I feel na he’s not happy with that. And rightly so.
“Pero sa pagkanta, Sharon muna. Kasi, 12 ako nag-start! Saka singer ako! So yun naman,” sey pa niya.
Sa poster ng “Dear Heart” concert, una ang pangalan ni Gabby at walang “and” ang pangalan ni Sharon. Reaksyon dito ng Megastar, “Wala akong problema du’n. Diyos ko! I know my place in the business. Anyone knows what I’ve worked for, what I’ve arrived at, where I am.
“There’s nothing I have to prove but I need to give that respect to Gabby. It makes me happy. It will make me happy. Pero sa concert, una ako, ha? Kasi du’n lang tayo sa totoo. Pero sa pelikula, pag gagawa man kami, dapat talaga mauna siya sa billing,” paliwanag niya.
Sa mga wala pang tickets, available pa ang mga ito sa SM Tickets outlets nationwide. Susundan pa ito ng special VIP Night sa October 30 sa Grand Ballroom ng Okada Manila at mag-inquire lang sa NY Entourage Products, 0977 081 1006 (Globe) or 0999 909 7610 (Smart).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.