Sharon Cuneta tinawag na 'toxic' ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa | Bandera

Sharon Cuneta tinawag na ‘toxic’ ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa

Therese Arceo |September 16,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta tinawag na ‘toxic’ ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa

Therese Arceo - September 16, 2023 - 10:14 PM

Sharon Cuneta tinawag na 'toxic' ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa

NAIMBYERNA si Megastar Sharon Cuneta sa comment ng isang basher na sinabihan siya ng “toxic”.

Sa kanyang Instagram post kung saan pino-promote niya ang international movie ng panganay niyang si KC Concepcion na pinamagatang “Asian Persuasion” ay may isang netizen ang nang-nega sa kanya.

Sa comment section kasi ay makikitang nagkapalitan ng mensahe sina KC at Sharon sa kabila ng isyung pag-unfollow ng kinakaharap ng kanyang mga anak.

Nagpasalamat kasi si KC sa ina sa pagsuporta nito sa kanya sa kabila ng hindi pagkakaunawaan.

“Like I always tell you mama, tho l’m not perfect, everything I do is for you,” saad ng kanyang panganay.

Sagot naman ni Sharon, “Still praying we get to talk. After all your work a anak.
God is good. Nothing would make me happier than having my whole family with me, and don’t ever forget you are part of ours too…I am a mother FIRST, and my heart will only be complete once things are sorted out.

“Remember anak that only those who truly love you will tell you what is true, what will make you a better person. We all love and care for you. See things from that perspective and you will see differently. I love you. Daddy and your siblings love you.”

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta dinenay na may ‘paborito’ sa mga anak, nagsalita sa isyu nina Frankie at KC: Kung sino siyempre ‘yung lagi mong kasama… mayroon ka lang mas nakakasundo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dito nga ay may isang netizen na sumingit ang netizen ngunit sa ngayon ay burado na ang komento nito.

Ngunit bakas sa reply ni Sharon ang gigil sa netizen na tumawag sa kanya bilang toxic.

“Kung ako ang kausap mo gamitin mo ang utak mo kung may konti pa. WALA KAYONG ALAM SA PINAGDADAANAN NAMIN ISA ISA. At sa tanang buhay ko WALA PANG TUMAWAG SA AKIN NA TOXIC KAHIT PA ANAK KO.

“Dunungdunungan kayo wala naman kayo nung pinalaki ko yan. Ang KAPAL NG MUKHA NYO,” talak ni Sharon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa niya, “Magpasalamat kayo tahimik ako at mahal ko ang mga anak ko. Kundi baka iflush mo sarili mo dahil IKAW ang dapat sa imburnal. Bastos!”

Related Chika:
Sharon Cuneta naloka sa mga humihingi ng complimentary tickets sa concert nila ni Gabby: Pasensiya po at nagta-trabaho lang ang girl n’yo!

Pang-iisnab ni Barbie Imperial kay Sharon Cuneta fake news: ‘I haven’t even seen you in person…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending