Andrea Brillantes 4 years old pa lang crush na crush na si Paul Salas: 'Pero ngayon hindi na' | Bandera

Andrea Brillantes 4 years old pa lang crush na crush na si Paul Salas: ‘Pero ngayon hindi na’

Ervin Santiago |September 24,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes 4 years old pa lang crush na crush na si Paul Salas: ‘Pero ngayon hindi na’

Ervin Santiago - September 24, 2023 - 07:13 AM

Andrea Brillantes 4 years old pa lang crush na crush na si Paul Salas: 'Pero ngayon hindi na'

Paul Salas at Andrea Brillantes

IBINANDERA ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes na naging super crush niya ang Kapuso hunk actor na si Paul Salas.

Diretsahang sinabi ni Andrea na sa edad na 4 ay may crush na siya, at yan nga ay walang iba kundi si Paul na dyowa ngayon ng Kapuso actress na si Mikee Quintos.

Sa isang vlog, nakipag-collab si Andrea sa sexy star at content creator na si Ivana Alawi na mapapanood sa  YouTube channel ng huli.

May pamagat itong “KING CRAB MUKBANG + JUICY Q&A WITH ANDREA BRILLANTES | IVANA ALAWI” kung saan nagsilbing host ang bunsong sisteraka ni Ivana na si Mona Alawi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maraming netizens ang nagulat na mag-bestfriend pala sina Andrea at Mona kaya naman nag-request ang mga fans na sana’y mag-collab din ang dalawang dating child stars.

Baka Bet Mo: Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Sa video, makikita kung paano minukbang nina Ivana, Andrea at Mona ang dambuhalang alimango o tinatawag na king crab habang sinasagot ang mga maiintrigang tanong mula sa netizens.

At isa sa mga naitanong sa Q&A session kung sino ang kanilang first crush. Dito nga inamin ni Blythe (palayaw ni Andrea) na ang unang crush niya ay isang Kapuso star.

“Ako po Paul Salas. Paul Salas kasi nag-audition po ako noon sa Marimar (GMA 7, na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes), hindi ako nakuha.

“Pero napansin po ako ni Sir Dingdong, kinuha niya ako sa parang wedding ng kapatid niya or whatever, tapos ang kasama ko du’n si Paul Salas.

“Siguro mga four or five years old lang yata ako nu’n, tapos crush na crush ko talaga siya,” ang revelation ng dalaga.

Kitang-kita namang na-shock si Ivana na 4 years old pa lang ay may crush na agad si Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Crush na crush ko siya noon. Pero ngayon hindi na,” sey pa ng lead star ng Kapamilya series na “Senior High.”

Hirit naman ni Ivana, “Sorry Paul, nu’ng four years old lang.”

Sabi pa ni Andrea wala pa siyang planong magdyowa uli after ng breakup nila ni Ricci Rivero, “Hindi na ako magdyodyowa. Matagal, matagal ako bago magdyowa.”

Wala namang nabanggit si Ivana kung sino ang first crush niya pero pambubuking ng kapatid niyang si Mona, type na type raw ng sext actress ang actor, rapper at professional wrestler na si John Cena.

Samantala, aminado rin si Andrea na hindi siya perpekto at may “toxic trait” rin siya sa mga nagdaang relasyon.

“Ito po promise, binabago ko na siya. As in. I’m trying my best. Gantitera po ako. Gumaganti po pero ano po, applicable lang ito if relationship. Like kapag sa out of the relationship, minali mo ako, I just cut you off pero kapag sa relationship po, gantitera ako.

“‘Ha, pa-party ka? Okay, paparty rin ako’. I really like to get even or I even get worse, parang ganiyan. May ganoon po akong ugali,” aniya.

Pero sinabi naman ni Andrea na sa ngayon ay binabago na niya ang pag-uugali niyang ito “As in ngayon binabago ko na kasi hindi po talaga maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali,” sey ng aktres.

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikee Quintos, Paul Salas mas tumitibay ang relasyon habang dumadaan sa mga problema at pagsubok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending