Vanessa Hudgens ibinandera na super proud siyang maging Pinoy sa gitna ng mga pamba-bash: ‘It felt so empowering to know where you’re from’
SINAGOT ng Hollywood star na si Vanessa Hudgens ang mga bumabatikos sa kanya bilang global tourism ambassador ng Pilipinas.
Maraming nagsasabi na hindi siya karapat-dapat sa nasabing posisyon at titulo dahil hindi naman siya talaga bumibisita at nagbabakasyon nang regular at pangmatagalan sa bansa.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Vanessa ay isang Filipino-American na unang nakilala at sumikat sa “High School Musical” film noong early 2000.
Nagtungo sa Pilipinas si Vanessa nitong nagdaang March, 2023 nang mapili nga siyang global tourism ambassador ng bansa.
Nagkaroon pa nga ng presscon ang pagdating ng Hollywood actress-singer dito sa Pilipinas at isa kami sa maswerteng naimbitahan.
Ayon mismo kay Vanessa, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makabisita siya sa Pilipinas kung saan nakasama rin niya ang kanyang Pinay na nanay na si Gina Guangco.
Kuwento pa ni Vanessa, nakabalik lang daw ang kanyang ina sa bansa mula sa Amerika, nang may mamatay ang isa nilang kapamilya noong 2019.
Sa isang panayam, sinabi ni Vanessa na pinalaki siyang, “super, super American.” At hindi rin daw nagsasalita ng Tagalog ang kanyang ina sa kanilang bahay.
Baka Bet Mo: Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit
“Yes, I had rice with every meal, but I didn’t necessarily feel like I was super separated from the other kids in school, just because my upbringing was so extremely American,” aniya sa interview ni Marie Lodi para sa Allure, na lumabas nitong nagdaang September 14.
Ayon sa aktres, isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang pagiging tourism ambassador ng Pilipinas ay dahil gusto niyang alamin kung saan siya nanggaling.
Sabi pa ni Vanessa, noon pa man ay nakakaramdam na siya na parang may kulang sa kanyang pagkatao dahil wala siyang alam sa kanyang Filipino background.
At nang marating nga niya ang bansang pinagmulan ng kanyang ina, pinuntahan niya ang lugar kung saan nanggaling ang kanyang pinakamamahal na nanay.
“It felt so empowering to know where you’re from, and be able to represent your heritage,” sabi ni Vanessa.
Aniya sa naging experience niya sa pagbisita sa Pilipinas, “It was such a beautiful experience. I feel like I didn’t meet a single person that felt like they were having a bad day, everyone was just like, so happy.
“I think the secret to life is community, it doesn’t matter how much you have what you have, it’s about the people you choose to fill your life with,” sabi ni Vanessa.
Samantala, nabanggit din niya sa nasabing panayam na may mga nalilito raw sa kanyang ethnicity, lalo na nang gawin niya ang “High School Musical” kung saan gumanap siya bilang si Gabriella Montez na isang Latina.
“And when I tell them I’m Filipino, they’re like, ‘What?’ But I am doing everything that I can do to let people know because I am proud,” paliwanag ng aktres.
Sabi pa niya, kung mabibigyan ng chance, gusto niyang i-represent ang pagiging proud Pinoy sa beauty at entertainment industry.
“The most incredible thing is when I have these girls come up to me, and they’re like, ‘You were the first person that I saw that looks like me on TV.’ I want to cry.
“It’s just really beautiful to be able to be an identifying person that helps allow others to feel seen,” sabi pa ni Vanessa Hudgens.
Vanessa Hudgens bumisita sa Malacañang, itinanghal bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.