Vanessa Hudgens tinawag na 'magical place' ang Pinas, gusto rin sanang magpakasal sa bansa, pero... | Bandera

Vanessa Hudgens tinawag na ‘magical place’ ang Pinas, gusto rin sanang magpakasal sa bansa, pero…

Ervin Santiago - April 02, 2023 - 06:46 AM

Vanessa Hudgens tinawag na 'magical place' ang Pinas, gusto rin sanang magpakasal sa bansa, pero...

Vanessa Hudgens at Gina Guangco

KUNG siya lang daw ang masusunod, isasama ng Hollywood star na si Vanessa Hudgens ang Pilipinas sa mga choices ng lugar kung saan sila magpapakasal ng kanyang fiancé na si Cole Tucker.

Game na game na sinagot ng international actress-singer ang mga tanong ng Philippine entertainment press sa ginanap na presscon kahapon para sa ginawa niyang travel documentary sa bansa sa direksyon ni Paul Soriano.

Ang event ay ginanap sa Manila House sa Bonifacio Global City, Taguig City, and hosted by the King of Talk, Boy Abunda na siyang unang nagtanong ng ilang question kay Vanessa.

Isa nga sa mga nausisa sa Hollywood actress ay ang tungkol sa kasal nila ni Cole, ngunit ayon sa dalaga, hindi muna siya magbibigay ng detalye about their wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🔮Vanessa Hudgens🔮 (@vanessahudgens)


Pero aniya tungkol sa possibility na sa Pilipinas siya magpakasal, “I mean, if it was just me and my fiancé eloping, yes. But we’re not.”

Paliwanag ni Vanessa, napakarami raw kasi nilang kailangan isaalang-alang pagdating sa usapin ng kasal.

Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens bumisita sa Malacañang, itinanghal bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas

Samantala, isa naman sa mga rason kung bakit nagdesisyon na siyang bumisita sa Pilipinas ay para balikan at mapag-aralan ang kanyang Filipino heritage. Balak daw niyang ipamana sa kanyang magiging mga anak ang lahat ng matututunan niya sa gagawing travel docu.

Sa mga hindi pa aware, ang nanay ni Vanessa na si Gina Guangco ay isang Filipina habang ang kanyang late father na si Gregory Hudgens ay isang Irish-American.

Ang palagi raw itsinichika sa kanya ng ina tungkol sa Pilipinas, “It’s always about family. It’s very much about the closeness of your family.

“How when someone’s married, they’re like, ‘Move into the family.’ And it’s like you don’t leave when you go to college, you don’t leave the house, everybody sticks together.

“But, like, I didn’t really know much about the history and the lineage and what the vibe was, honestly,” aniya pa, na ang natatandaang palaging niluluto ng nanay niya ay “pancit and adobo”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🔮Vanessa Hudgens🔮 (@vanessahudgens)


Kumusta naman ang pananatili niya sa Pilipinas sa loob ng ilang araw, “It’s been really interesting and really beautiful and eye-opening. I feel like just the family aspect of the Philippines is something that is so prominent and so strong.

“I’ve always been close to my mom and my sister. We kinda like go as a pack all the time. That’s definitely something that comes from my heritage,” sabi pa ni Vanessa.

Dagdag pang chika ng aktres na unang sumikat sa “High School Musical” series, “I’m so obsessed with the Filipino furniture and lighting. The use of natural elements, the wicker, the rattan, the mother of pearl.

“It’s all just so beautiful to me. And something that I’ve always loved. And I’m, like, ‘Oh yeah, makes sense, because it’s Filipino,'” sabi pa ni Vanessa.

Kamakailan ay nagtungo nga si Vanessa sa Pangulasian Island sa Bacuit Bay, El Nido, Palawan na inilarawan niyang isang “paradise.” Gusto rin niyang mabisita ang Cebu at Mindanao.

“I already can’t wait to come back. I feel like the time I have spent here has been so special. But I need more time. The country is so big, it has so much to offer.

“I’m a big nature girl, big beach girl. There are so many beautiful beaches here that I still have to go to. There’s so much to do. I haven’t even gone shopping,” lahad pa ng aktres.

At sa tanong kung paano niya ide-describe ang mga Filipino na nakilala niya sa pagbisita niya sa bansa, “It’s about kindness. Everybody is so warm and so friendly. The people here are very unique. Everyone is just so warm.

“I feel like I haven’t met anyone who seems like they’re having a bad day. The hospitality is unmatched. It’s just a really magical place,” ang pahayag pa ni Vanessa Hudgens na bumida rin sa pelikulang “The Princess Switch.”

Fil-Am actress Vanessa Hudgens engaged na sa dyowang baseball player

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza nakisali sa isyu nina Vanessa Raval at Skusta Clee: Hindi ako naniniwala na papatol ka sa ganun kapangit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending