Rhian Ramos pak na pak sa pagrampa sa Venice filmfest, mala-’Hollywood star’ ang peg
AGAW-PANSIN ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa 80th Venice International Film Festival na naganap sa Italy.
Sa Instagram, makikita na proud na inirampa ni Rhian sa red carpet ang kanyang suot na eleganteng champagne ball gown na gawa ng kilalang fashion designer na si Mark Bumgarner.
Ayon pa sa kanya, pakiramdam niya ay “royalty” siya dahil sa kanyang ayos.
“What a life this is [emoji] Walked the red carpet of the #VeniceFilm Fetsival2023 and felt like royalty in @markbumgarner,” wika niya sa caption.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos umaming ‘loner’, ibinuking kung bakit walang naging kaibigan noon
View this post on Instagram
Sa kasunod na IG post, sinabi ni Rhian na marami siyang nakilala sa event at lubos na pinasalamatan ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanya.
“I saw & met so many beautiful people on this trip! [white heart emoji] I wanna thank everyone who made me belong! [smiling face emoji],” sey niya sa post.
Naikuwento rin niya na siya mismo ang nag-ayos at nag-makeup sa kanyang sarili.
At para sa mga curious diyan kung bakit nasa Venice Film Festival ang aktres, ito ay dahil sa ineendorso niyang mobile phone.
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang tila napanganga at napa-wow sa bonggang look ng aktres sa red carpet ng event.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Grabe napakaganda! Napa-wow ako! Kala ko sino Hollywood actress! [smiling face with heart-eyes emoji]”
“Effortless beauty, she looks so divine with her gown. She doesn’t need to do anything to be noticed.”
“She looks stunning in that dress! This is how celebrities look, especially the Hollywood celebrities.”
Bago ang nasabing filmfest, unang dumalo si Rhian sa naging wedding ng kapwa-aktres na si Lovi Poe at British husband na si Monty Blencowe na nangyari sa Cliveden House sa England.
View this post on Instagram
Sa kasalukuyan, pinagbibidahan ng Kapuso actress ang karakter bilang “Margaret Royales” sa primetime mystery drama series na “Royal Blood.”
Kamakailan lang ay na-reveal sa teleserye na may alopecia pala ang karakter ni Rhian.
Marami ang humanga sa naging pag-arte ng aktres kaya talagang umani siya ng mga papuri mula sa mga manonood at netizens sa nasabing episode.
Ayon pa sa marami ay deserving daw makagetsing ni Rhian ng “Best Actress” award.
Subaybayan ang “Royal Blood,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad at Pinoy Hits, habang 10:50 p.m. naman sa GTV.
Related Chika:
John Arcilla inialay ang ‘Venice’ best actor trophy sa mga pumanaw na mahal sa buhay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.