Dolly de Leon wagi pa rin kahit tinalo ni Angela Bassett sa 80th Golden Globe Awards; pakikipaglaban sa Oscars abangers na
WAGING-WAGI pa rin para sa sambayanang Filipino si Dolly de Leon kahit hindi niya naiuwi Best Supporting Actress In A Motion Picture trophy sa 80th Golden Globe Awards.
Nominado siya para sa natatangi niyang pagganap sa Cannes 2022 Palme d’Or winner na “Triangle of Sadness.”
Tinalo siya ng Hollywood star na si Angela Bassett, na gumanap na Sovereign Queen Mother of Wakanda sa “Black Panther: Wakanda Forever.”
Pero kahit hindi nga siya ang nagwagi, panalo pa rin siya sa puso ng madlang pipol dahil siya nga ang kauna-unahang Pinoy na naging nominado sa prestihiyosong award-giving body ng Hollywood Foreign Press Association.
Ang 80th Golden Globe Awards ay ginanap ngayong araw sa The Beverly Hilton sa Beverly Hills, California, USA.
In fairness, unang-unang ipinresent ang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress For Motion Picture winners with Jennifer Hudson as presenter kaya naman walang bagot at inip factor ang mga abangers na Pinoy viewers.
View this post on Instagram
And of course, tuwang-tuwa ang Filipino fans at super proud nang makita na si Dolly sa red carpet ng 80th Golden Globes.
Bukod sa nasabing award-giving body, ipinagdarasal din ng mga Pinoy at ng mga kapwa celebrities na mano-nominate din si Dolly sa best supporting actress category ng 95th Academy o Oscar Awards na nakatakdang ianunsyo sa darating na January 24.
Ito’y para na rin sa kanyang pagganap sa “Triangle of Sadness” na talaga namang pinag-uusapan ngayon sa loob at labas ng bansa.
View this post on Instagram
Si Dolly din ang nagwaging best supporting performer sa 2022 Los Angeles Film Critics Association Awards. Kahati niya sa award si Ke Huay Quan mula sa pelikulang “Everything Everywhere All At Once.”
Si Ke Huay Quan din ang Best Supporting Actor winner ng 80th Golden Globes. Pararangalan din sila ni Dolly sa annual banquet ng Los Angeles Film Critics Association sa January 14.
Nominado rin si Dolly sa best supporting actress category ng London Film Critics Circle, San Francisco Bay Area Film Critics Circle. Join din ang name niya sa longlist ng British Academy of Film and Television Awards (BAFTA).
Pang-world class yarn: 7 Pinoy celebs na kinilala sa iba’t ibang international filmfest
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.