‘And So It Begins’ official entry ng Pilipinas sa Oscars 2025
NAPILI ang documentary film na “And So It Begins” bilang opisyal na entry ng Pilipinas para sa 97th Academy Awards na kilala rin sa tawag na Oscars.
Ito ay lalaban sa ilalim ng kategoryang “Best International Feature.
Ang magandang balita tungkol sa pagkakasama ng “And So It Begins” ay inanunsyo ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa kanilang Facebook page.
“And the winner is….” saad ng organisasyon sa kanyang caption.
Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens buntis na, ibinandera ang baby bump sa Oscars 2024
Kalakip ng post ang mga larawan ng direktor na si Ramona Diaz na tumanggap ng certificate of proclamation sa kanyang documentary film bilang official entry ng Pilipinas sa Oscars 2025.
Gaganapin ang 97th Academy Awards sa March 2, 2025 sa Los Angeles.
Ipinalabas ang “And So It Begins” nitong August 2024 sa mga sinehan sa bansa.
Iikot ang istorya ng pelikula sa istorya ng naging presidential campaign ni dating Vice President Leni Robredo sa nagdaang 2022 National Elections.
Kalakip rin ang istorya ng CEO ng Rappler at Nobel Prize laureate na si Maria Ressa saa paglaban para sa malayang pamamahayag.
And So It Begins official entry ng Pinas sa Oscars 2025
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.