Wil Dasovich binalikan ang kabataan nila ni Zac Efron Bandera

Wil Dasovich binalikan ang kabataan nila ni Zac Efron

Ervin Santiago |May 03,2021
share this

Wil Dasovich binalikan ang kabataan nila ni Zac Efron

Ervin Santiago | May 03,2021 - 10:44 AM

NAPA-THROWBACK ang sikat na vlogger na si Wil Dasovich noong mga araw na palagi niyang nakakasama ang Hollywood star na si Zac Efron.

Nag-share si Wil sa madlang pipol ng ilang kuwento tungkol sa “growing up” days nila ng kanyang childhood friends na si Zac Efron at kapatid nitong si Dylan.

Sa recent episode ng kanyang podcast na “SuperHuman,” ibinahagi ng vlogger na kapag daw meron silang family gatherings, talagang game na game na nagpe-perform sa harap nila si Zac.

Kaya nu’ng mga panahong yun, alam na ras ni Wil na sisikat at malayo ang mararating sa buhay ng Hollywood actor.

“When we would do these hangouts, our families just get together, Zac would like to do his performance and he would like sing and he would dance.

“And we always said this, he’s so talented. He’s going to get far in life. We always said that,” pahayag ng vlogger.

Naaalala rin niya na madalas na nakakasama ni Zac sa pagpe-perform ang kapatid na si Haley sa kanilang mga family reunion.

“And my parents, I don’t know if it is being competitive or what the Filipino thing, mom goes, ‘Oh Haley it is your turn and you go do something.’

“And she would force my sister to sing and dance in front of us and me and Dylan (kapatid ni Zac) would just be the audience eating popcorn while Zac and Haley would sing and dance in front of our families,” pagbabalik-tanaw pa ni Wil.

Sa isang bahagi ng podcast, ikinuwento rin ni Wil na nasaksihan niya ang unti-unting pagsikat ni Zac at ang naging experience niya nang sumasama sila sa premiere at media rounds noong nagpo-promote ang aktor para sa pelikulang “Hairspray” sa New York City.

“That was our first time experiencing anything like that as well. You know, I guess just being Zac and being with him famous. It was still very new to us,” patuloy pang pagbabahagi ni Wil.

Sey naman ng kanyang sister na si Haley, “It was an entire eight days of premieres and talk shows and our days were from 6 a.m. to like 2 in the morning and we were moving all over New York City.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending