Bretman Rock inokray nga ba si Vanessa Hudgens bilang Global Tourism Ambassador sa dialogue na, ‘B**** can’t even say Palawan’
USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens ang tila patutsada ng Filipino-American social media personality na si Bretman Rock kay Hollywood actress-singer Vanessa Hudgens.
Nagbakasyon kasi sa Pilipinas si Bretman at talagang ibinandera niya sa buong universe ang kagandahan ng Palawan pati na ang hospitality ng mga kababayan nating Pinoy doon.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng beauty vlogger at influencer na naka-based sa Honolulu, Hawaii ang mga pinaggagawa at naging adventures niya sa isla ng Palawan.
“It’s always gonna be more fun in the Philippines,” ang caption ni Bretman sa isa niyang IG post.
View this post on Instagram
Makikita sa mga ipinost niyang litrato at video ang ilang water sports activities na game na game niyang sinubukan sa napakagandang karagatan sa Palawan tulad ng snorkeling, kayaking, paddle boarding, at maging ang pagsakay at sa bangka.
Ipinakita rin niya sa kanyang social media followers ang mga litrato na kuha nang makatapal siya ng stingray. Sey ni Bretman sa caption, “I honestly thought I stepped on something sharp at first but I knew I had to get out [of] the water when I started to feel throbbing up to my head.
“When I got out I had 2 stings and that’s how the locals knew it was a stingray…
“I put ice and it helped a lot but on the boat ride back I ran out of ice and I was legit rethinking my life, then they put plant medicine and then boom she’s healed,” pagbabahagi pa niya.
Baka Bet Mo: Pangako ni Bretman Rock sa Pinoy fans: ‘I’ll always be myself, I’ll always be gay as hell and Filipino as hell!
Inalala rin ni Bretman ang kanyang kabataan noon habang ibinabandera ang ganda ng mga tourist destination sa Palawan.
“Only if that little kid who grew up in Sanchez Mira Cagayan knew he would have everything he ever dreamt of one day. It’s so hard not to feel proud of that little brown boy when I’m home,” sey ni Bretman.
Ipinanganak sa Cagayan ang socmed personality at doon din lumaki ngunit pagsapit niya ng edad 7 ay nagtungo na siya sa Hawaii para doon manirahan.
Sa isa niyang IG post, may mga netizens na nagtanong ng, “Why are you not the Philippines ambassador again?”
“This is the real ambassador of the Philippines!!! Our queen.”
View this post on Instagram
Sabi ng isa pa niyang IG follower, “Don’t get me wrong, I like Vanessa Hudgens but Bretman Rock should’ve been the Global Tourism Ambassador to promote the Philippines.”
Ang tinutukoy nga ng nagkomentong IG user ay ang Hollywood actress-singer na si Vanessa Hudgens, na may dugong Pinoy din dahil Filipina ang nanay niyang si Gina Guangcao na tubong Mindanao.
Si Vanessa kasi ang napiling Global Tourism Ambassador para tumulong sa pagpo-promote ng Philippine tourism at ilang araw din siyang nag-stay sa Pilipinas early this year para kunan ang isang documentary about her Filipino roots.
May isa pang netizen ang nag-comment ng, “Vanessa Hudgens is shaking (fire emojis).” Na sinagot naman ni Bretman ng, “B**** can’t even say Palawan.”
Ang tinutukoy niya ay ang nag-viral na video sa socmed kung saan inaaral ni Vanessa ang tamang pagbigkas ng Palawan kung saan nagbakasyon din noon ang Hollywood star.
Isa si Bretman sa mga pinangalanan ng maraming Pinoy netizens na mas karapat-dapat daw maging Global Tourism Ambassador para sa Pilipinas.
“Dear @TourismPHL, Hear me out cos I want to nominate singer-songwriter, actor, actress, athlete, activist, coconut water connoisseur, mascara master, and mother of chickens, @bretmanrock.
“We need someone proud of their Filipino roots. Otherwise, it’s just a job,” ang panawagan ng isang Twitter (X na ngayon) user noon.
Bretman Rock gustung-gusto nang bumalik uli ng Pinas: ‘I miss being home…take me back now!’
Vanessa Hudgens bumisita sa Malacañang, itinanghal bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.