Vanessa Hudgens inokray-okray ng netizens matapos sumablay sa pagbati ng 'Maligayang araw ng kalayaan pilipinas!' | Bandera

Vanessa Hudgens inokray-okray ng netizens matapos sumablay sa pagbati ng ‘Maligayang araw ng kalayaan pilipinas!’

Ervin Santiago |June 18,2023
facebook
share this

Vanessa Hudgens inokray-okray ng netizens matapos sumablay sa pagbati ng ‘Maligayang araw ng kalayaan pilipinas!’

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 08:35 AM

#BasagYarn: Vanessa Hudgens inokray-okray ng netizens matapos sumablay sa pagbati ng 'Maligayang araw ng kalayaan pilipinas!'

Vanessa Hudgens

KALOKA! Na-bash nang bonggang-bongga ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens dahil sa “pagkakamaling” nagawa niya matapos bumati para sa ika-125 taon ng Kalayaan ng Pilipinas o Philippine Independence Day last June 12.

May mga netizens kasi ang nakapansin sa paggamit ng Hollywood star ng maliit na letra para sa mga salitang “Pilipinas” at “Philippines”

Mensahe ni Vanessa sa mga Pinoy na ipinost niya sa Instagram, “Maligayang araw ng kalayaan pilipinas! Happy independence day philippines (Philippine flag emoji) learning about my heritage and history was so empowering.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🔮Vanessa Hudgens🔮 (@vanessahudgens)


“Connecting to the land and people. Can’t wait to get back. #WeGiveTheWorldOurBest,” dagdag na pahayag ni Vanessa.

Pagtutuwid ng mga nakabasa ng kanyang IG post, bago raw siya bumati ng “Happy Independence Day” dapat ay matutunan muna niya ang paggamit ng capital “P” sa Pilipinas at Philippines.

Baka Bet. Mo: Boy Abunda hindi naniniwalang imbiyerna sa kanya si Paul Soriano, wala ring isyu kay Vanessa Hudgens: You know what she said, ‘I love your energy’

Narito ang ilan sa mga nakakalokang reaksyon ng mga netizens sa post ni Vanessa.

“Aralin mo muna correct spelling man lang ng Pilipinas at Philippines, ineng… My heritage and history ka diyan.”

“Napakasimple na nga di ba! CAPITAL for any country it’s CAPITAL P di pa magawa.”

“Napaka-basic di pa matama. Proper noun dapat capital letter.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🔮Vanessa Hudgens🔮 (@vanessahudgens)


“Yung now ka na nga lang nagpaka-all out ng pagka-Pinoy mo, pero sumablay pa.”

“I think tama lang supalpalin s’ya dahil gagamit na nga ng Philippines for clout di pa maayos. Iba talaga yung may genuine respect aka Sandara vs yung mga katulad n’ya na may agenda.”

“P is capital letter — so it should be Philippines and Pilipinas.”

“It took you 30+ years to love?”

“Kasama sa pay kaya may pa-greet na ganyan, but noon ay waley.”

“Talaga ba sis?”

Hugot ni Andrea sa paghihiwalay nila ni Ricci: ‘Swerte ako hangga’t kaya ko pang magmahal, at kaya ko ring mahalin ang sarili ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vanessa Hudgens tumangging sagutin ang ilang tanong ni Boy Abunda: ‘Kapag hindi mo sinagot, hindi ako namimilit…I don’t push it’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending