Aga, Richard, Gabby, Snooky pasok sa 2023 EDDYS Icons; Piolo, Coco gagawaran ng Isah V. Red Award
WALONG tinitingala at itinuturing nang haligi ng entertainment industry ang gagawaran ng espesyal na pagkilala sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023.
Bibigyang-pugay ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga napiling Icon awardees sa industriya ng pelikulang Filipino.
Ang mga EDDYS Icon honorees ngayong taon ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion at
Niño Muhlach.
Kasama rin sa mga pararangalan bilang EDDYS Icons sa 6th The EDDYS sina Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa.
View this post on Instagram
Samantala, kabilang sa mga bibigyan ng Isah V. Red Award sina Herbert Bautista, Rosa Rosal, Coco Martin at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.
Igagawad naman sa 6th The EDDYS ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo.
Ang beteranong manunulat naman at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.
Baka Bet Mo: 6th The EDDYS ng SPEEd tuloy ang pagbibigay parangal sa Okt. 22; awards night ididirek ni Eric Quizon
Ang napili namang Producer of the Year ay ang Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ay igagawad sa MavX Productions.
Kamakailan ay inihayag na ng SPEEd ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.
Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tessie Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS.
View this post on Instagram
Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa NET 25 na pinamumunuan ng Presidente nitong si Caesar Vallejos, sa Oct 28, 2023.
Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.
Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 6th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng “People’s Journal”.
Pang-world class yarn: 7 Pinoy celebs na kinilala sa iba’t ibang international filmfest
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.