Snooky Serna ibinuking ni Dexter Doria: Nu’ng panahon ninyo kung ayaw magshooting ni Snooky, wala silang magawa! | Bandera

Snooky Serna ibinuking ni Dexter Doria: Nu’ng panahon ninyo kung ayaw magshooting ni Snooky, wala silang magawa!

Reggee Bonoan |September 16,2023
facebook
share this

Snooky Serna ibinuking ni Dexter Doria: Nu’ng panahon ninyo kung ayaw magshooting ni Snooky, wala silang magawa!

Reggee Bonoan - September 16, 2023 - 08:51 PM

Snooky Serna ibinuking ni Dexter Doria: Nu’ng panahon ninyo kung ayaw magshooting ni Snooky, wala silang magawa!

NALOKA si Snooky Serna nang ibuking siya ng premyadong kontrabidang aktres na si Dexter Doria sa sarili nitong vlog sa YouTube channel nang ma-interbyu niya ito kamakailan.

“Nu’ng panahon ninyo kung ayaw magshooting ni Snooky, wala silang magawa! (sabay tawa ni Snooky). Pag ayaw ni Nora Aunor wala silang magawa, ngayon hindi puwede, spank ka nila,” diretsong sabi ni Dexter.

Pero hindi naman daw pasaway si Snooky noon, “hindi naman kaya lang natatakot sila kasi diva ka, eh. Ilan lang kayong bida no’n. Kayong dalawa lang ni Nora, well isama na natin si Maricel (Soriano) saka si Sharon (Cuneta), lima kayo.

“They made 200 movies a year, lima lang kayo. Pag hindi ka pa naman naging diva do’n ewan ko na! Di ba? Di vah?”

Pero hindi raw maldita si Snooky noon na kapag may ayaw ay nagmamaganda, hindi raw katulad ng iba ang aktres na content creator na ngayon on the side.

Natanong naman ni Snooky kung may kinainisan ng artista sa showbiz si Dexter, “sumusuko ako. PInababayaan ko na lang sila kapag may nakakasabay akong ganu’n, rume-retreat ako. Hindi ko sinasalubong, hindi ko pinapatulan tahimik lang ako. Kasi nga hindi ako nakikipagpa-bonggahan.”

Sabi kaagad ng YT host, “ang saya po kasama ni tita Dexter.”

“Yun lang gusto ko lang masaya lang tayo makuwento pero pagdating na sa pabonggahan, wala na! Di na ako nakikipagsabayan diyan. Wala sa akin kahit mag-away kayo diyan, magramublan kayo diyan. Tahimik lang ako may sarili akong mundo,” natawang sabi rin ni Dexter.

Sa tanong kung sino ang mga kaibigan ng beteranang aktres sa showbiz.

“Ang pamilya ko ngayon ay ‘yung mga kasama ko sa “Abot Kamay Kong Pangarap” (series sa GMA 7). Oo, sila. Ang dami ngayon gustong mag-artista at ang masasabi ko lang is, napakahirap!

“Alam ninyo (sabay tingin sa kamera) sa dami ninyo kung minsan 400 ang pumapasok in one year. Nu’ng panahon ko, alam ninyo kung ilan lang kaming punmasok sa showbiz, for two years tatlo lang kami, ako, si Susan Valdez at si Charo Santos kamung tatlo lang mga model na. Saka mahirap sumikat ngayon, mahirap!” kuwento ng aktres.

Dagdag pa, “kailangan kasi naiintindihan mo ‘yung pinasok mong trabaho. Alam mo naman ang showbiz magulo, so don’t expect a bed of roses, so, kung nandiyan ka na matuto kang magpakumbaba at makisama, ‘wag mong sabihing magaling ka, sikat ka ngayon lagi silang makikisama sa ‘yo hindi na uso ngayon ‘yun. Ngayon, ikaw na ang nakikisama sa kanila.”

Sa pa-game ni Snooky na Pick a Name ng mga kilalang aktres ay nagbigay ng komento si Dexter base sa pagkakakilala niya.

“Si Alessandra de Rossi ang perfect example ng artistang hindi umaarte. Para sa akin mas mahirap ‘yun, eh no acting-acting. Pag nakasama mo si Alessandra de Rossi do’n ka talaga (magsasabing) ‘tong babaeng to hindi umaarte! And that makes her special. Effortless wala lang.”

“Maricel Soriano, tuwang-tuwa ako sa babaeng ‘to, mahal ko ‘to. Itong taong ‘to na walang ka-plastikanm what you see is what you get. I am that I am! Tama sa kanya ‘yung (title) na ‘yun. Masayang kasama at mahusay na artista.

“Ay si Carmina (Villaroel) love ko. oh my God love ko siya. Siya ang kasama ko dito sa Abot Kamay at itong babaeng ito 13 o 14 years old palang siya basta nu’ng nag-artista siya, ako na lagi nanay niya. Kung hindi ako ang nanay niya, ako ‘yung umaapi sa kanya, so, at home na at home kami sa isa’t isa.

“Judy Ann Santos. Si Judy Ann kasi is hindi mo siya maiintindihan she’s an enigma. Hindi moa lam what t expect from her. Hindi moa lam kung ano siya unreachable, untouchable pero mabait naman siya at sweet. Misteryosa siya pero hindi niya alam ‘yun. Para sa akin, ganu’n siya.

Baka Bet Mo: Snooky Serna muntik nang layasan ang showbiz dahil sa bashers: Hindi ako palaban lalo na noon

“Si Ate Vi at saka si Nora Aunor. Si Vilma Santos kasi is the queenliest actress always well-groomed, always has the proper answers, and always nice. Pag kasama mo siya ang feeling mo was she likes you. Mabait siya, eh.

“Si Nora Aunor on the other hand, misteryosa rin, enigma ‘yan. Nakasama ko siya sa Bongga Ka ‘Day (1980). Ang tagal namin sa Baguio (location). Meron kaming hotel do’n. Isang araw ang bait-bait niya (binati ako), ‘hi tita Dexter.’ Nag birthday ako, she gave a surprise party for me kahon-kahon ang mga champagne, pagkain catered, the next day hindi niya ako kilala! Ewan ko kung aware siya ro’n meron talaga siyang ganu’n.

“So, you really have to..ikaw ang magbabalanse kay Nora because she is so important that she will not adjust to you. You will have to adjust to her, she can get away with anything because she’s Nora Aunor, tandaan mo ‘yan!”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Snooky Serna unang nakapasa bilang Madam Claudia sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ pero napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong

Snooky Serna binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending