Snooky Serna umaming muntik makipagtanan kay Albert Martinez; tinawag na 'great love' ang isang yumaong aktor | Bandera

Snooky Serna umaming muntik makipagtanan kay Albert Martinez; tinawag na ‘great love’ ang isang yumaong aktor

Ervin Santiago |May 11,2023
facebook
share this

Snooky Serna umaming muntik makipagtanan kay Albert Martinez; tinawag na ‘great love’ ang isang yumaong aktor

Ervin Santiago - May 11, 2023 - 07:35 AM

Snooky Serna umaming muntik makipagtanan kay Albert Martinez; tinawag na 'great love' ang isang yumaong aktor

Albert Martinez at Snooky Serna

KUNG hindi dahil sa asthma ni Albert Martinez malamang daw ay sila ni Snooky Serna ang nagkatuluyan at naging mag-asawa.

Maraming rebelasyon ang award-winning at seasoned actress tungkol sa naging relasyon nila noon ni Albert nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Inamin ni Snooky kay Tito Boy na si Albert ang kanyang first love. Naging magkarelasyon daw sila noong 14 years old pa lang siya. At in fairness, naging happy naman daw ang kanilang naging relasyon kahit mga bagets pa sila

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


“Pagpasensiyahan niyo na po, baka po kayo ma-ano, pero talagang nagpapakatotoo na tayo ngayon. Si Albert Martinez is the first love of my life.

“Sinagot ko siya at the age of 14. You know love comes to us in all ages walang pinipiling edad ‘yan.

Baka Bet Mo: Snooky unang nakapasa bilang Madam Claudia sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ pero napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong

“I thank my parents for having been so trusting na kilala naman nila kung sino naman ako kaya when I fell in love they welcomed Albert with open arms,” ang pagbabahagi ng Kapuso actress.

“Noong first time siguro na sinagot ko siya at sinabi ko talaga ‘yung pagmamahal ko sa kanya na sinabi kong ‘I love you too,’” sey pa ni Snooky.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


Dito nga ni-reveal ng aktres na sa unang taon pa lang ng kanilang relasyon ay nagplano na silang magtanan noon ni Albert pero hindi ito natuloy.

“Nakakatawa kasi nu’ng first year namin, gusto namin na magtanan na. I was 15 then, we went to Antipolo para magtanan na kaya lang sinumpong si Albert ng asthma niya so bumalik kami,” pagbabahagi ni Snooky.

Hirit na tanong ni Tito Boy sa aktres, “So kung walang asthma?” “Baka kami ang nagkatuluyan, mag-asawa na kami,” ang natatawang biro ni Snooky.

Itinuturing namang “great love” ni Snooky ang yumaong aktor na si Miguel Rodriguez, “He’s the Filipino version of Superman, si Christopher Reeve. Kita mo just talking about him, it unsettles me ha, Tito Boy!”

Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending