John Arcilla gustong sundan ang career nina Al Paccino, Robert de Niro at Eddie Garcia: 'Mamamatay akong aktor' | Bandera

John Arcilla gustong sundan ang career nina Al Paccino, Robert de Niro at Eddie Garcia: ‘Mamamatay akong aktor’

Ervin Santiago - September 13, 2023 - 07:48 AM

John Arcilla gustong sundan ang career nina Al Paccino, Robert de Niro at Eddie Garcia: 'Mamamatay akong aktor'

John Arcilla

KUNG may isang bagay o pangyayari na kinatatakutan ang premyadong aktor na si John Arcilla, yan ay walang iba kundi ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.

Ayon kay John, hangga’t maaari ay ayaw niyang sagutin ang tanong kung ano ang kanyang mga kinatatakutan ngayon dahil nais niyang mabuhay sa mundo ng walang nararamdamang fear.

“Takot akong…actually, gusto kong kalimutan ‘yan tanong na ‘yan. Kasi gusto kong mabuhay nang walang takot.

“Pero sguro, as of now, ang parang struggle ko para matanggal sa buhay ko ‘yung ganun na takot akong mag-isa, na alam mo ‘yun, ‘yung mga mahal mo sa buhay ay mawala sa ‘yo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


“But ang dami-dami kong binabasa na mga books for us na pinanganak tayong mag-isa at mamamatay tayong mag-isa,” paliwanag ni John sa panayam sa kanya ng press kamakailan.

Aniya pa, “Medyo may struggle ako sa ganu’n. Parang para sa akin ang hirap ng ganu’n. Parang gusto ko pag kaibigan ko dapat kasama kita sa buhay so pwede bang kayo ang mauna o ako ang mauna.

“Parang may ganu’n akong klaseng…pero nilalabanan ko yon kasi dapat ready ka rin sa pag let-go, so pinag-aaralan ko yon,” sabi pa ng award-winning veteran actor.

Sa tanong kung paano niya nakikita ang sarili after 20 years, “Aktor pa rin ako. Nakikita ko ang sarili ko na katulad nina Al Paccino, Robert De Niro, ni Tito Eddie Garcia na kahit 90 years old na kapag kaya ko pang magmemorya at kailangan pa ako ng industriya, mamamatay akong aktor.”

Dagdag pa niya, “Well, ayokong mamatay ng violent, gusto ko ‘yung matutulog lang ako kung mawawala ako. Pero nakikita ko ang sarili ko na  hanggang sa pagtanda ko hindi ako titigil sa pagtatrabaho bilang aktor.

“Kasi very fulfilling para sa akin talaga yung pagiging isang aktor, hindi lang siya self-fulfillment actually it’s a commitment at isang service sa audience ang pagganap ng mga karakter,” lahad pa ni John Arcilla.

* * *
Nagtala ng panibagong all-time high online viewership records ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN nitong Lunes (Setyembre 11) sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Sinubaybayan ng viewers ang panibagong yugto ni Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo” na nakakuha ng all-time high record na 478,297 live concurrent viewers. Sa naturang episode, nasilayan ang unang pagkikita nina Tanggol at Bubbles (Ivana Alawi) habang natuloy na rin ang kasal nina Mokang (Lovi Poe) at Ramon (Christopher De Leon).

Baka Bet Mo: John Arcilla iyak nang iyak nang balikan ang pagpanaw ng bunsong kapatid: Siya ‘yung in-expect kong makakasama ko nang matagal

Hindi naman natatapos ang hitik na hitik na action scenes sa “The Iron Heart” na nakasungkit naman ng 451,538 peak concurrent views matapos simulan ni Apollo (Richard Gutierrez) ang kanyang misyong itakas ang tunay na amang si Priam (Albert Martinez) mula kay Menandro (Ian Veneracion).

Samatala, umabot naman sa 152,702 live concurrent views ang “Senior High” kung saan isinambulat na ni Archie (Elijah Canlas) ang katotohanan na ang tatay niyang si Harry (Baron Geisler) ang tunay na ama ni Sky (Andrea Brillantes). Sa kabilang banda, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap ng ebidensya ni Sky sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang kambal.

Bukod sa pagtatala ng panibagong online live viewership record, hindi naman nawawala sa trending list ng iba’t ibang social media sites ang tatlong serye ng ABS-CBN dahil sa dekalibreng aktingan ng mga bida nito, pati na ang mga makapigil-hiningang mga eksena.

John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Arcilla shookt din sa isyu ng #MaJoHa sa PBB: Kaya siguro lutang ang isip ng kabataan pagdating sa kasaysayan ay dahil…..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending