John Arcilla bumilib sa ‘mata-mata’ acting ng mga co-stars sa ‘Dirty Linen’: ‘Pagpasok ko pa lang sa eksena, yung energy…nandoon na agad lahat’
KUNG meron mang pinauso ang cast ng “Dirty Linen”, ito ‘yung tinatawag na “mata-mata” acting.
Nang matanong ang cast members during the finale mediacon recently dahil magtatapos na ito this week ay si John Arcilla ang nagsalita.
“Actually, ako nagtaka ako doon kasi wala naman tayong pinlano na kahit ano doon samata-mata. Suddenly, nagkaroon ng tern na mata-mata acting,” say ni John who plays Carlos.
He further explained how the term came to be, “Para sa akin personally as an actor, ang napansin ko doon kasi ‘yung mismong istorya kasi, eh.
View this post on Instagram
“Meron kang past na itinatago, meron kang present na dini-deal at meron kang gustong puntahan sa future mo as a character. So, tatlo kaagad ‘yun.
“Kapag kaharap mo ang isang character, tatlo kaagad ang iniisip mo, ‘yung nasa past, ‘yung nasa present na dini-deal mo at saka ‘yung gusto mong takasan at gusto mong puntahan. It’s because of the story, I guess, for me,” paliwanag niya.
“I think lahat kami ay nadala doon. In fact, hindi naman tayo naging conscious na sige gawin natin ‘to. Hindi naging ganoon, eh, kasi naging natural na din.
“Aside from the fact na nasa istorya, iba kasi talaga ang feeling mo sa bawat kaeksena mo. Parang plakado na kaagad. Pagpasok ko pa lang sa eksena, ‘yung energy ay nandoon na kaagad lahat.
Baka Bet Mo: Bea ‘sinampal’ ng katotohanan; umaming may mga kapamilya at kaibigang nahawa ng COVID
“Sila na kaagad ‘yung characters. Napaka-colorful, napakaganda ng character every time na papasok ako sa eksena,” dagdag pa niyang paliwanag.
Sa huling linggo ng “Dirty Linen” ay malalagay sa alanganin ang buhay ng mga karakter dahil itotodo na ni Carlos (John Arcilla) ang kanyang kahibangan bilang nag-iisang “hari” ng pamilya Fiero matapos niyang malaman na sa kanya lang ipinamana ang milyon-milyong pera at ari-arian ng buong pamilya.
View this post on Instagram
Babawian naman ni Alexa at ng kanyang mga kasabwat na sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia) ang pamilya Fiero dahil mapipilitan silang gumawa na rin ng karahasan upang mapaamin ang mga ito sa patong-patong nila mga krimen, kabilang na ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong pumatay kay Olivia (Dolly De Leon), ang kabit ni Carlos at nanay ng half-sisters na sina Alexa at Chiara (Francine Diaz).
Ipinasilip din sa makapigil-hiningang finale teaser ng “Dirty Linen” ang tila pagkamatay ng ilang mga karakter. Magugulantang din si Aidan sa sunod-sunod na matitinding rebelasyon at ang paglitaw ng mga baho ng sarili niyang pamilya.
Makakamit na ba ni Alexa ang hustisya laban sa mga Fiero? Sino-sino ang mananatiling buhay pagkatapos ng lahat ng ito?
Huwag palampasin ang pasabog na finale ng “Dirty Linen” sa Agosto 25 (Biyernes) ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel.
3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.