3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa't isa at meron kayong mga plano | Bandera

3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano

Ervin Santiago |February 21,2022
facebook
share this

3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano

Ervin Santiago - February 21, 2022 - 02:31 PM

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

KUNG maraming magdyowang naghihiwalay nang dahil sa LDR o long distance relationship, mukhang kering-keri naman ito ni Pia Wurtzbach at ng boyfriend niyang foreigner na si Jeremy Jauncey.

In fairness, kahit hindi regular na nagkakasama dahil nga sa kanilang trabaho at palaging nasa magkaibang lugar, napapanatili pa rin nina Pia at Jeremy ang init ng kanilang pagmamahalan.

In fact, nito lang nagdaang January, 2022 ay nag-celebrate na sila ng kanilang 2nd anniversary as a couple sa kabila ng long-distance relationship. 

Sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang project sa ABS-CBN, ang “sweetcom” na “My Papa Pi” kung saan makakatambal niya si Piolo Pascula, nagbigay ng ilang tips Pia kung paano nagwo-work.sa kanila ni Jeremy ang LDR.

“I think kailangan may good and open communication lalo na sa akin because we don’t see each other all the time.

“Kasi parang in a way long distance relationship kami. Buti it’s important na lagi kaming nag-uusap, honest kayo, and meron kayong mga plano para meron kayong something to look forward to,” pahayag ni 2015 Miss Universe.

Patuloy pa niyang paliwanag, “Para sa akin kasi like ngayon hindi kami magkasama for Valentine’s day but it can still be special in a way because we make it work because we have good communication.”

Isa pa raw sa mas nagpapatatag sa relasyon nila ni Jeremy ay ang pagta-travel sa iba’t ibang lugar. Dahil dito, mas nakilala at mas minahal pa raw nila ang isa’t isa.

“Kasi si Jeremy mahilig mag-travel so naging perk na lang na kasama niya ako tapos na-e-enjoy ko din yung pag-ta-travel dahil sa trabaho niya. 

“Pero naka-base na rin kasi siya sa Abu Dhabi ngayon kaya madalas kami magkita. Pero bumabalik pa din ako dito sa Pilipinas kasi nandito yung work ko. 

“Nandito yung mga shoots, nandito yung mga endorsements tuloy-tuloy pa rin naman. Tapos meron din ako bahay so I think I split my time between the two and kaya naman. 

“Sa akin naman time management lang yan. Basta alam ko in advance, I can make myself available for work,” lahad pa ng actress-TV host.

Samantala, sa nasabi ring presscon nabanggit ni Pia na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang offer ng Kapamilya network na maging leading lady ni Piolo sa comedy show na “My Papa Pi” kung saan makakasama rin nila si Pepe Herrera.

Hindi rin daw siya humingi ng permission sa boyfriend niyang Jeremy bago tanggapin ang proyekto, “Actually hindi ako nagpaalam. pinaalam ko sa kanya na gagawin ko ito.

“Pero kidding aside, kilala na niya si Papa Pi kasi siyempre kinukuwento ko sa kanya yung mga pag-so-showbiz ko before nu’ng nagsisimula ako sa ABS-CBN, ganyan. 

“Tapos nagtatanong rin siya kung sino yung mga artista sa Pilipinas. So nakuwento ko na sa kanya si papa Pi,” sey pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang “My Papa Pi” sa March 5, Saturday, 7 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Pia nalusutan ang ‘family feud’ dahil kay Jeremy: Buti na lang nandoon siya at kinaya ko naman

Jeremy Jauncey ibinandera ang paghanga kay Pia: Proud of all you are doing baby!

Pia binalikan ang ‘first date’ nila ni Jeremy; sumama agad magkape, binigay agad ang number

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending