John Arcilla shookt din sa isyu ng #MaJoHa sa PBB: Kaya siguro lutang ang isip ng kabataan pagdating sa kasaysayan ay dahil…..
HINDI rin napigilang magbigay ng kanyang saloobin ang award-winning veteran actor na si John Arcilla sa kontrobersyal na pangyayari recently sa “Pinoy Big Brother” season 10.
Ito yung mali-maling sagot ng mga teen housemates sa ilang history questions, kabilang na nga ang tanong tungkol sa tatlong Filipino martyr priests na sina GomBurZa (Mariano Gomez, Jose Burgos and Jacinto Zamora ).
Sa halip kasi na “GomBurZa” ang isagot ng “PBB” teen housemates sa tanong ni Robi Domingo (tungkol sa Philippines facts and history) ay “MaJoHa” ang kanilang binanggit.
Maraming nam-bash sa mga housemates pero mas marami ang bumatikos sa educational system sa Pilipinas at isa na nga riyan ang Kapamilya actor na si John Arcilla.
“Grabe, napakalaking bagay ng history sa buhay ng tao. Kahit anong nasyon pinahahalagahan ‘yan.
View this post on Instagram
“Kasi sa kasaysayan natin malalaman kung sino ka at saan ka dapat pupunta bilang tao o bilang Pilipino. Ang pagtingin sa nakaraan ay importante para sa mga aral na hindi mo na dapat pagdaanan pa,” sabi ng aktor sa interview ng ABS-CBN nitong nagdaang Miyerkules.
Pagpapatuloy pa niya, “Ang mga titser na mismo ang nagsasabi sa akin disappointed sila sa pag-downgrade ng Philippines history as a subject sa upper grade levels. Kaya siguro lutang ang isip ng kabataan pagdating sa kasaysayan!”
“Ang dami kasing nagsasabi lagi move on na. Yes, tama naman pero ang pag-move on ay mas mahalaga at mas powerful kung bitbit mo ang mga aral ng pinagdaanan mo bilang tao o bilang bansa.
“Kahit naman sa personal mong buhay binibitbit mo ang aral na nakuha mo sa masakit na pinagdaanan mo sa ibang tao. Lalo na kung sangkot pa ang buong bansa,” diin pa ng aktor.
Kuwento pa ni John sa nasabing panayam, “Pinakapaborito kong subject ng elementary ay ang Rizal. Pakiramdam ko ang Rizal subject ang naging core ng pagkatao ko at pagka-Pilipino. ‘Yung selfless love at pagmamahal sa pamilya, kapatid, kababayan at bansa.
“Sa Rizal ko rin natutunan ‘yung pagpapahalaga sa mga bagay na pinaghirapan ng mga magulang kahit ano pa ang halaga, ‘yung kwento tungkol sa barong na sinamay. At ‘yung importansiya ng pagmamahal sa ibang tao kahit hindi mo kilala.
“Yung tungkol sa tsinelas niya na naanod ng tubig, pinaanod na rin niya ‘yung isa para kung swertehin man may makakuha ng isa makikita niya ang isa pa at maaaring magamit pa,” pagbabalik-tanaw ng premyadong aktor.
https://bandera.inquirer.net/303246/john-arcilla-walang-inayawang-trabaho-kahit-may-pandemya-pero-sa-akin-health-pa-rin-ang-priority
https://bandera.inquirer.net/301214/dingdong-john-aktingan-showdown-sa-a-hard-day-lumebel-sa-bonggang-korean-version
https://bandera.inquirer.net/304236/john-arcilla-nag-ala-joshua-garcia-netizens-aliw-na-aliw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.