John Arcilla iyak nang iyak nang balikan ang pagpanaw ng bunsong kapatid: Siya ‘yung in-expect kong makakasama ko nang matagal
TATLONG miyembro ng pamilya ni John Arcilla ang sunud-sunod na pumanaw noong kasagsagan ng pandemya— ang tatay, kuya at bunsong kapatid niyang babae.
Hindi pa raw kasama rito ang ilan pa niyang mga kamag-anak at kaibigan. Kaya naman wasak ang kanyang puso noong mga panahong yun.
Kuwento ni John sa panayam ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito, “Ang dami kong nawalang kamag-anak at kaibigan. Sa family circle ko, tatlo, ‘yung father ko, kuya ko at saka ‘yung bunso.
“Ang masakit kasi sa kapatid ko bukod sa bunso ‘yan, siya ‘yung in-expect kong makakasama ko nang matagal saka bunso ‘yan saka sobrang mahal na mahal ko ‘yan.
“At saka nu’ng nangyari ‘yun, nasa Ilocos ako (shooting ng FPJ’s Ang Probinsyano). Tapos, grabe-grabe ‘yun Ogs,” umiiling na pahayag ng aktor na nakayuko.
Hindi masagot ni John kung paano nakipaglaban ang kapatid niya sa sakit nito dahil wala nga siya at sa pamamagitan lang ng tawag at messages ang naging linya ng komunikasyon nila.
“Ang hirap sabihin kung tama ‘yung naging desisyon niya, Sabi ko ‘wag kang mag-alala sa pang-ospital meron tayo (pambayad) walang problema.
“Ang sabi niya, ‘hindi naman ‘yun Kuya Boy (tawag kay John), ang problema natatakot ako sa ospital kasi ‘yung tent nasal aba slang tapos umuulan pa. Kawawa naman ako parang doon ako mamamatay.
View this post on Instagram
“Natatakot siya sa facilities kasi ang mga kuwento sa facilities maraming hindi napapakain.
“Tapos natatakot siya na kapag napunta siya roon baka maiwan niya ‘yung dalawa niyang anak o i-quarantine rin kasi ‘yung isa epileptic.
“So, ganu’n ‘yung sitwasyon na naiintindihan ko pero ayaw ko sana pero wala akong magawa kasi nasa Ilocos ako.
“Then binilhan ko ng portable oxygen tapos pinadala ko sa bahay nila naging at peace naman ang breathing niya.
“Tapos kinabukasan nagtataka nga ako, eh. Sabi nya, ‘okay na ako magaling na ako. Alam mo bakit ako gumaling because of love kasi inakap ko ang mga anak ko nang magdamag tutal pare-pareho naman kami. Okay na ako magaling na ako, naligo na ako.
“’I love you very much,’ sabi niya sa akin, sabi ko rin, ‘I love you very much.’ Masaya ako kasi kahit paano nasabi niya sa akin ‘yun.
“After niya sabihin ‘yun kinaumagahan tumatawag na ‘yung mga anak niya tapos habang nangyayari ‘yun, nasa kabilang telepono ako.
“Ako ‘yung nag-instruct sa mga pamangkin ko na tawagin na sina ganyan, si ganito, si mama, si papa. Hindi ko kaya, sabi ko sa pamangkin ko!” emosyonal pang pahayag ni John.
At tuluyan na nga siyang napaiyak sa kuwento niya kay Ogie. Ang kambal na anak ng bunso niyang kapatid ay nasa poder ngayon ni John at masaya siya dahil parehong nagtapos ng cum laude ang mga ito.
“So, I’m really so proud of these two. Sabi nga nila, ‘I’m strong woman because I was raised by a strong woman.’ Kaya natutuwa akong sobra sa dalawang pamangkin ko,” pahayag ni John.
Related Chika:
John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw
Emosyonal na mensahe ni Sharon kay Miguel: I’m grateful, honored and proud to be your mother
John Arcilla namatayan ng 10 mahal sa buhay sa loob ng 1 taon ngayong panahon ng pandemya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.