Hirit ni Chito sa 40th birthday ni Neri: ‘Di pa rin ako makapaniwala'

Hirit ni Chito sa 40th birthday ni Neri: ‘Di pa rin ako makapaniwala kung gaano ako kaswerte!

Pauline del Rosario |September 07,2023
facebook
share this

Hirit ni Chito sa 40th birthday ni Neri: ‘Di pa rin ako makapaniwala kung gaano ako kaswerte!

Pauline del Rosario - September 07, 2023 - 10:41 AM

Hirit ni Chito sa 40th birthday ni Neri: ‘Di pa rin ako makapaniwala kung gaano ako kaswerte!

PHOTO: Instagram/@chitomirandajr

TODO flex ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa kanyang wais na misis na si Neri Naig na nagdiriwang ng ika-40th birthday.

Sa Instagram, ibinandera ni Chito ang fresh looking photo ni Neri na tila nasa isang salon.

Kalakip niyan ay ang bongga niyang matamis na mensahe kung saan inihayag niya kung gaano raw siya kaswerte sa asawa.

“Happy 40th, Ms.Neri!!! Red heart emoji],” pagbati niya kay Neri.

Kwento ng bokalista, “This pic was taken last week, at pinagmamayabang ko talaga na 40 ka na kasi you look amazing…at ‘di pa rin ako makapaniwala kung gaano ako ka-swerte at pinakasalan ako ng ganito kagandang babae [peace sign emoji].”

“Sobrang ganda, sobrang bait, sobrang sweet, at sobrang kulit…tapos inlab na inlab sa akin [smiling face emoji],” patuloy ni Chito.

Lahad pa niya sa IG, “40 ka na, baby ko….at palagi kong sinasabi sayo na excited ako tumanda kasama mo.”

Baka Bet Mo: Bea bilib na bilib sa pagiging ‘wais’ ni Dominic: ‘Praktikal lang siya na alam ang halaga ng pera’

“Pangako, you will always be my baby, at aalagaan kita ng todo todo hanggang sa pagtanda,” dagdag niya.

Huling mensahe pa niya, “Happy Birthday, Ms.Neri!!! I LOVE YOU!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Maliban sa fans, maraming kapwa-celebrities ang bumati sa birthday girl na si Neri.

Kabilang na riyan sina Gary Valenciano, Angelica Panganiban, Zsa Zsa Padilla, Joross Gamboa, DJ Chacha, at marami pang iba.

Kung matatandaan, taong 2014 nang ikinasal sina Chito at Neri.

Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina MIggy at Cash.

Bukod sa pagiging artista, si Neri ay kasalukuyang nag-aaral ng Masteral Degree para sa kursong Business Administration.

Maraming negosyo si Neri at ilan lamang diyan ay ‘yung pagbebenta niya ng gourmet tuyo, rest house for rent sa Baguio, events place sa Tagaytay, beauty salon at marami pang iba.

At speaking of business, nakatakda rin siyang magalabas ng sariling libro na may titulong “Wais na Misis” sa darating na Oktubre.

Sa kanyang Instagram, nanawagan ang aktres na bumili ng kanyang libro bilang birthday gift na rin sa kanya.

“Please buy my book sa National Bookstore Online. Search niyo po ‘Wais na Misis’ by Neri Miranda. Birthday gift nyo na po sa akin [red heart emoji],” caption niya.

Sa video, ipinaliwanag ni Neri na hindi lang tips sa negosyo ang kanyang libro dahil pwede ring maka-relate ang mga makakabasa nito.

“This book talaga is a guide book para sa lahat, not only sa mga kababaihan, sa lahat ng tao. Hindi lang siya negosyo tip e, life hacks [din]. Baka makapulot kayo ng lesson,” sey niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Related Chika:

Vice Ganda mas wais na sa pera: Hindi na ako magiging poor uli

Neri Miranda nagtayo na ng sariling production company: Manager na rin ako ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending