Bea bilib na bilib sa pagiging 'wais' ni Dominic: 'Praktikal lang siya na alam ang halaga ng pera' | Bandera

Bea bilib na bilib sa pagiging ‘wais’ ni Dominic: ‘Praktikal lang siya na alam ang halaga ng pera’

Ervin Santiago |July 17,2023
facebook
share this

Bea bilib na bilib sa pagiging ‘wais’ ni Dominic: ‘Praktikal lang siya na alam ang halaga ng pera’

Ervin Santiago - July 17, 2023 - 07:57 AM

Bea bilib na bilib sa pagiging wais sa buhay ni Dominic: 'Praktikal lang siya na alam ang halaga ng pera'

Dominic Roque at Bea Alonzo

KUNG may isang katangian si Dominic Roque na talagang ipinagkakapuri ni Bea Alonzo, yan ay ang pagiging wais at responsable nito sa buhay.

Bilib na bilib daw ang Kapuso actress sa kanyang boyfriend na talagang marami na raw alam sa buhay base na rin sa mga naging experience nito in the past years.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Bea ng litrato nila ni Dominic na kuha sa weekend date night nila sa isang spa na matagal na rin nilang hindi nagagawa.

Aniya, tamang-tama raw na naging free ang kanyang Saturday matapos ma-cancel ang trabaho niya kaya nagkaroon sila ng panahon ni Dom na magkita at mag-bonding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakalaan na raw kasi ang buong Sunday niya sa promo ng Kapuso reality talent search na “Battle of the Judges” kung saan isa siya sa magiging judge kasama sina  Boy Abunda, Jose Manalo, Annette-Gozon-Valdes at hosted by Alden Richards.

“I told my staff to take a day off, then Dom drove me and stayed with me at the salon.

“I finished the book I was reading (Seven Husbands of Evelyn Hugo. A must-read!) And after that, we went to the spa and got a pamper package,” ang caption ni Bea sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Enchong nagpa-condo tour; pinayuhan ang kabataan na maging wais sa pera

Kuwento pa ng Kapuso star, nakakuha sila ng pamper package, kabilang na ang private room, jacuzzi, body polish coconut scrub, at Philippine Hilot massage.

“It was so good! But Dom said we could’ve gotten the same massage for a much lower price,” sey pa ni Bea.

Sinabihan daw niya ang kanyang boyfriend na okay din na i-treat nila paminsan-minsan ang kanilang mga sarili after ng tuluy-tuloy na trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


“But I’m glad he is that kind of a practical guy who knows the value of money.

“That’s one of the things I liked about him. Marunong sa buhay,” aniya pa.

Nauna rito, nag-viral ang mga litrato ni Dominic sa social media kung saan gumamit talaga ito ng trolley sa paggo-grocery sa supermarket. Iniiwasan na raw kasi niya ang paggamit ng plastic bags.

Siyempre, proud na proud naman si Bea sa kanyang boyfriend dahil sa pagiging aware nito sa mga ganu’ng isyu na karaniwan nang nakakalimutan ng ilang Filipino.

Nitong nagdaang buwan, kumalat ang chika na engaged na sina Dominic at Bea base sa kumalat na Instagram photos nila na kuha sa kanilang beach trips.

“Ano ‘yun, picture ‘yun nung nagpunta kami sa Amanpulo a few years ago. Si Dom kasi mahilig siyang mag-late post ng mga photos na akala ng mga tao, na-engaged kami, hindi, hindi pa po,” pahayag ni Bea.

Chito manang-mana kay Neri sa pagiging wais na asawa; balak ipamana sa mga anak ang koleksyon ng baril

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda mas wais na sa pera: Hindi na ako magiging poor uli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending