Enchong nagpa-condo tour; pinayuhan ang kabataan na maging wais sa pera
Enchong Dee
PINAYUHAN ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang mga kabataan ngayon na mas maging wais sa paghawak ng pinaghirapan at pinagtrabahuan nilang savings.
Ito’y matapos mapatunayan ng binata na mas maganda talagang mag-invest habang bata pa bilang paghahanda na rin sa pinapangap na better future.
Sa kanyang latest vlog, nagpa-condo tour si Enchong para sa mga fans at subscribers niya sa YouTube. Aniya, ang nasabing property ang first-ever investment niya simula nang pasukin niya ang showbiz.
Kuwento ng aktor at negosyante, nabili niya ang pag-aaring condominium unit isang dekada na ang nakalilipas, sa tulong na rin ng kanyang nanay na siyang nagturo para mas maging wais siya sa paggastos ng pera.
“It was in 2010 when my mom told me, ‘Anak, halika mag-invest ka sa condo.’ Kasi during that time, sobrang mura pa ng mga ganitong properties.
“For the space, feeling ko naman enough na siya for someone who wants a bachelor’s pad,” sey ni Enchong.
Aniya, never pa niya itong nagamit mula nang mabili niya kaya first time niyang na-experience tumira sa sarili niyang condo.
“Kasi natapos na ako sa taping ng ‘Huwag Kang Mangamba.’ Sabi ko parang ayaw ko naman dumiretso sa bahay without really making sure na wala akong symptoms or wala akong nararamdaman.
“I stayed here for the first time. Nakuha ko siya 21 years old. Ten years after, hindi ko pa rin siya nakita, hindi ko siya nabisita, hindi ko siya napuntahan. It’s really just now,” chika pa ng binata.
Ngunit sabi nga ni Enchong, hindi naman natengga ang property dahil sa loob ng 10 taon ay pinarentahan nila ito kaya kahit paano’y napakinabangan din nila ito.
“Time flies, kung meron kayong pagkakataon mai-allot ‘yung hard earned money niyo sa something na pwedeng pagkakitaan, do it kasi the next thing you know, nabawi niyo na siya at pwede niyo na siyang mabenta ulit and kikita pa kayo.
“I love the community. There’s a park 30 steps away. Lahat ng restaurants na gusto kong kainan, malapit lang siya and a mall is literally a block away from this place.
“I am also excited because in two weeks’ time, mags-start na ‘yung renovation. Ipapakita ko rin sa inyo kung paano ginawa ‘yung before and after,” promise pa ni Enchong sa madlang pipol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.