Chito manang-mana kay Neri sa pagiging wais na asawa; balak ipamana sa mga anak ang koleksyon ng baril | Bandera

Chito manang-mana kay Neri sa pagiging wais na asawa; balak ipamana sa mga anak ang koleksyon ng baril

Ervin Santiago |October 17,2022
facebook
share this

Chito manang-mana kay Neri sa pagiging wais na asawa; balak ipamana sa mga anak ang koleksyon ng baril

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 10:42 AM

Chito manang-mana kay Neri sa pagiging wais na asawa; balak ipamana sa mga anak ang koleksyon ng baril

Chito Miranda at Cash Miranda

TULAD ng kanyang pinakamamahal na misis na si Neri Miranda, proud “wais na mister” din ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Pinatunayan ito ng OPM icon sa latest Instagram post niya kamakailan kung saan ipinakita niya ang pagbubukas nila ng mga regalong natanggap ng anak na si Cash sa nagdaang birthday nito.

Ayon kay Chito, naniniwala siya na dapat daw pinag-iisipan talaga ang mga ireregalo natin sa mga bata para hindi ito masayang at matagal na pakikinabangan.

“Bilang ‘Wais na Mister’, dapat du’n tayo sa praktikal. Du’n tayo sa mga regalo na hindi makakalakihan ng mga anak natin,” ang panimulang mensahe ng singer-songwriter sa kanyang IG followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“1 year old pa lang si Cash, and mabilis syang lalaki at baka di nya na magamit yung karamihan ng mga regalo sa kanya in a year or 2.

“Kumbaga sa shoes, bili ka na ng size 9 na pang-adult…at least habambuhay nya itong magagamit once his feet stop growing.

“And for the meantime, gamitin mo muna,” paalala pa ni Chito.

Pagpapatuloy pa ng hubby ni Neri, “Tulad ng niregalo namin ng @lynxfirearms kay Cash na mga red dot sights.

“Una, lahat ng nilalaman ng collection ko ay mapupunta din naman sa kanila ni Migs. So magagamit nya din yung mga red dot na niregalo namin sa kanya once ipamana ko sa kanila yung mga firearms ko.

“2nd, I’m sure di hamak na mas mahal na yung mga yan in 17yrs.

“Kaya binili ko na ngayon habang mas mura pa, compared sa kung kelan 18 na sya. Wais, di ba?” ang dagdag pang pahayag ni Chito.

Narito naman ang ilan sa mga naging reaksyon ng netizens sa post ng OPM artist na karamihan ay nagmula sa mga kapwa niya tatay.

“Sobrang wais! Di dapat to mabasa ng asawa ko. Hahahahaha!!!!!”

“Wag sana magviral to bka mkita ng asawa ko dpat mas wais si misis.”

“Investment tas hindi ka pa mapapagalitan ni misis.”

“Panalo! Bat di ko naisip to? Ganito pala dapat mindset.”

“Naluluma din yun kaya dapat bili lang ng bili hehe.”

“Hmmmm alam ko na ireregalo ko sa baby boy ko since nagkaidea nako sa tips mo hehe 2 yrs old na kasi anak ko tas lalaki din hehe thanks Chito.”

Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta

Neri Miranda muling nagpasabog ng good vibes sa mga tindera: Pawisan, pagod, sakit sa likod at kamay, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda mas wais na sa pera: Hindi na ako magiging poor uli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending