Neri Miranda muling nagpasabog ng good vibes sa mga tindera: Pawisan, pagod, sakit sa likod at kamay, pero... | Bandera

Neri Miranda muling nagpasabog ng good vibes sa mga tindera: Pawisan, pagod, sakit sa likod at kamay, pero…

Ervin Santiago |December 01,2021
facebook
share this

Neri Miranda muling nagpasabog ng good vibes sa mga tindera: Pawisan, pagod, sakit sa likod at kamay, pero…

Ervin Santiago - December 01, 2021 - 01:50 PM

Neri Miranda

MULING naghatid ng good vibes ang actress-entrepreneur na si Neri Miranda sa mga tulad niyang wais na nanay lalo na yung mga sumabak na rin sa pagnenegosyo.

Kung may isang celebrity ngayon na talagang hinahangaan at nagsisilbing inspirasyon sa mga negosyanteng Pinoy, yan ay walang iba kundi ang asawa ni Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda.

Sa bagong post ni Neri sa Instagram, ibinandera niya ang mga kahon-kahong produkto na nakatakda niyang i-deliver sa kanyang mga suki at mga dealers sa iba’t ibang lugar.

Dito, pinaalalahan niyang muli ang lahat ng negosyante lalo na yung mga nagsisimula pa lang na huwag mawawalan ng pag-asa at ipagpatuloy lamang ang pagsisipag at pagdiskarte sa buhay.

“Online tindera look. Bili bili na ng mga paninda ni Aling Neri. Order na po sa mga resellers natin at kung hindi ka pa namin reseller, aba’y mag inquire na dito. Comment mo lang location mo,” simulang mensahe ni Neri.

Tanong pa niya sa kanyang IG followers, “Ano nga ba itsura nating mga tindera kapag may mga orders?

“Nakaupo sa sahig, bilang dito, bilang doon, recheck ng listahan, pawisan, pagod, sakit sa likod, sakit sa mga kamay, namamanhid ang mga paa hanggang binti at wag muna igagalaw at talagang parang pinutakti ng mga langgam,” sey pa ng wais na misis ni Chito.

Patuloy pa niyang chika, “Pero kapag nadeliver naman na lahat ng orders at nabilang ang pera… gaganda ang mga ngiti natin, haha!”

View this post on Instagram

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Samantala, sa isa pa niyang IG post, nagbigay naman ng update ang aktres tungkol sa farm na pag-aari nila ni Chito.

“Dumaan kami sa farm. Nagpapagawa kase ako ng chicken coop at dumarami na ang mga sisiw namin, araw araw kase nangingitlig ang mga inahin.

“Nakapag ani na rin ng mga sili at kalamansi kahit maliit pa ang mga pananim, pang sawsawan na rin, hehe!Tapos may mga bunga na rin ang mga lemon! Kakatuwa! Sa bakuran naman namin, na-ani na rin ng saging.

“Ang sarap kanina sa farm! Maginaw na! Paskong Pasko na! Sarap magpicnic! Naiimagine ko kanina, mainit na kanin, tinapa, itlog maalat, wansoy, at kamatis! Solb! 

“Nagutom tuloy ako! Makaorder nga ako ng tinapa sa suki ko, tamang tama marami kaming kamatis at itlog maalat. Check ko kung malaki na wansoy ko.

“Hindi ko ipagpapalit ang buhay probinsya. Solb na solb na kami dine. Tahimik at mas tingin ko, mas magiging healthy ang pamilya ko dito,” ang caption ni Neri sa kanyang Instagram post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending