Neri Miranda nagtayo na ng sariling production company: Manager na rin ako ngayon! | Bandera

Neri Miranda nagtayo na ng sariling production company: Manager na rin ako ngayon!

Ervin Santiago |December 13,2022
facebook
share this

Neri Miranda nagtayo na ng sariling production company: Manager na rin ako ngayon!

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 06:51 PM

Neri Miranda nagtayo na ng sariling production company: Manager na rin ako ngayon!

Chito Miranda at Neri Miranda

IBINANDERA ng aktres at celebrity mom na si Neri Miranda ang bago niyang “baby” sa madlang pipol  na madadagdag sa pagkakaabalahan niya sa pagpasok ng 2023.

Bukod nga sa mga negosyo nila ng asawang si Chito Miranda, at sa iba pa nilang trabaho as married couple, may papasukin na naman siyang new challenge bilang entrepreneur.

Iyan ay ang pagkakaroon ng sariling production management at pagiging talent manager. Aniya, siya na ang hahawak at magma-manage ng endorsements ni Chito at ng dalawa niyang anak na sina Miguel, Cash, at Pia.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Neri ang good news, “Manager na akooo!!!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RHIANNE HELA (@rhiannebhela)


“Mula ngayon, ako na po mismo ang magma-manage at magha-handle ng mga endorsements ng family namin,” pahayag ng tinaguriang wais na misis.

Aniya pa, “Syempre si Chito as Parokya, sa TopBeat pa rin yan. Si Anne pa rin dapat kausapin pag may kinalaman sa banda ang inquiry.

“Mamaya, ishe-share ko na sa inyo ang pinaka-unang project namin under Wais Comm. Isang fastfood chain na paborito namin, at paborito ng mga Pinoy. Ano kaya yun?” dagdag ni Neri.

Sey pa ng wifey ni Chito, ang Star Magic head na si Lauren Dyogi ang nagbigay sa kanya ng idea na magtayo na ng sariling talent agency dahil sila na ang nilalapitan  ng mga brands para sa endorsement deals.

Lahad pa ni Neri, “Ayun na nga, since nilalapitan na ako ng mga brands, companies, at agencies, at may sarili na rin naman akong prod team, ang Wais na Misis Productions, I think panahon na para magtayo na rin ako ng sarili kong managing company.

“It was Direk Lauren who suggested na gumawa na ako ng sarili kong agency, and nag-agree naman si Chito.

“Medyo hesitant ako nung una, pero with my husband’s support, na-convince nila ako. At eto na nga, ipinakikilala ko na ang @waiscommunicationsinc na maghahandle na sa Miranda Family,” dugtong ni Neri.

Pahabol pang mensahe ni Neri, “But waaaaaait! There’s more!

“Lahat ng mga kababaihan, mapa-single pa yan, mapa-misis, mapa-nanay pa na gustong rumaket sa social media.

“Welcome kayo sa Wais Communications Inc bilang influencer. Wow instant influencer agad! Bilang babad naman sa pagso-social media, eh di gawin nating mas productive ang araw nating lahat.

“Sa lahat ng brands, agencies, companies na gusto pang makipag collab sa isa sa amin o sa buong Pamilya Miranda, kindly dm me po or send an email po sa: [email protected]

“At sa lahat ng gustong maging wais influencer, kindly follow @waiscommunicationsinc at mag dm lang po sa Wais Comm account po.

“Tara! Let us work together! Let us all be Wais! Tulungan tayong kababaihan! Nakaka-excite!!!” paanyaya pa ni Neri Naig.

Chito manang-mana kay Neri sa pagiging wais na asawa; balak ipamana sa mga anak ang koleksyon ng baril

Vice Ganda mas wais na sa pera: Hindi na ako magiging poor uli

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending