Vice Ganda sa boses ni Anne Curtis: Parang korapsyon, 'di namin gusto... | Bandera

Vice Ganda sa boses ni Anne Curtis: Parang korapsyon, ‘di namin gusto…

Therese Arceo |September 02,2023
facebook
share this

Vice Ganda sa boses ni Anne Curtis: Parang korapsyon, ‘di namin gusto…

Therese Arceo - September 02, 2023 - 12:37 PM

Vice Ganda sa boses ni Anne Curtis: Parang korapsyon, di namin gusto...
VIRAL ngayon sa social media ang bardagulan moment nina Vice Ganda at Anne Curtis sa kanilang Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Sa segment ng “Tawag Ng Tanghalan” noong Huwebes, August 31, magkasamang nagho-host ang dalawa kasama ang singer-actor na si Darren Espanto.

Matapos ang performance ng unang kalahok ay tinanong ni Vice kung mga piyesa ni Gary Valenciano ba ang mga pambato nito sa sinasalihang singing contest.

Umoo naman ang contestant at sinabing maging ang mga kanta ni Martin Nievera sy bet niyang kinakanta.

Tinanong naman ni Vice si Darren kung ano ang paborito nitong kanta. Sagot naman ni Darren ay “Kahit Isang Saglit” at “Ikaw Ang Aking Pangarap”.

Pinag-sample naman agad ni Vice ang binata ng isa sa mga kanta ni Gary Valenciano.

Matapos ng kanilang kulitan ay tinanong naman ni Darren si Anne kung ano ang paborito nitong kanta ni Gary V. habang maririnig namang sumisigaw ng “sample” ang madlang people.

Makikita namang tila hindi gusto ni Vice ang mga takbo ng pangyayari lalo na’t paniguradong iga-grab ni Anne ang opportunity para kumanta.

Pinili ni Anne na kantahin ang “Sana Maulit Muli” at habang pine-prepare ang boses ay maririnig na nagsa-side comment ang Unkabogable Star.

Baka Bet Mo: Madlang people nakisimpatya matapos mapanood ang pag-iyak ni Vice Ganda sa ‘It’s Showtime’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ay sus. Talagang ginawan ng paraan [na makakanta],” bulong ni Vice.

Nagsimula namang kantahin ni Anne ang chorus na may mataas na tono.

“Tama na, Anne! Diyos ko! Tama na! Woooh! Ang ganda ganda na ng kantahan kanina,” saad ni Vice sa pataas na boses.”Ang ganda na. Nag-Darren [Espanto], nag-Martin [Nievera], nag-Gary V, nag-Erik Santos.”

Dito na nagsimula ang kwelang banter ng dalawa sa isa’t-isa.

Tanong ni Anne kay Vice, “Bakit? Bakit mo ba laging binabasag ‘yung trip ko?”

Napa-‘ohhh’ naman ang madlang people.

“Ayaw mong binabasag namin ang trip mo pero lagi mong binabasag ang eardrums namin,” sey ni Vice.

“Sobra ka naman makapagsalita. Ang ganda ganda na kaya ng boses ko. Nagpalakpakan nga ‘yung madlang people e,” sagot naman ni Anne sabay wwpalakpakan ng madlang people.

“Diyos ko! Nagpalakpakan? ‘Yung boses mo parang korapsyon sa Pilipinas. Hindi namin gusto. Nasanay na lang kami,” hirit pa ni Vice.

Sa huli ay ibinandera naman ni Anne ang kanyang “face card” para magwagi sa laban.

“Kahit ano pang sabihin mo, maganda, pangit man ang boses ko para sa ‘yo. The truth still remains. Maganda ang mukha ko,” sey ni Anne na nagpatapos ng biruang talakan nila ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

True ba, Vice Ganda may tampo raw kay Chad Kinis, nadamay pati sina Lassy at MC?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending