Andrea Brillantes umamin sa presscon ng 'Senior High', super crush si Angel Aquino: 'Ang ganda-ganda niya! Hala, heto na naman ako!' | Bandera

Andrea Brillantes umamin sa presscon ng ‘Senior High’, super crush si Angel Aquino: ‘Ang ganda-ganda niya! Hala, heto na naman ako!’

Ervin Santiago |August 29,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes umamin sa presscon ng ‘Senior High’, super crush si Angel Aquino: ‘Ang ganda-ganda niya! Hala, heto na naman ako!’

Ervin Santiago - August 29, 2023 - 07:37 AM

Andrea Brillantes umamin sa presscon ng 'Senior High', super crush si Angel Aquino: 'Ang ganda-ganda niya! Hala, heto na naman ako!'

Angel Aquino at Andrea Brillantes

NAPAAMIN bigla ang Kapamilya youngstar na si Andrea Brillantes na super girl crush niya ang award-winning actress na si Angel Aquino.

Sa naganap na celebrity screening at grand mediacon ng latest project niya sa ABS-CBN, ang “Senior High”, ay hindi napigilan ni Andrea ang sarili na ibandera sa buong universe ang nararamdaman niya para kay Angel.

Si Angel ang gumaganap na nanay ni Andrea sa “Senior High” mula sa Dreamscape Entertainment, sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay na siya ring nagdirek ng super successful na “Dirty Linen.”

In fairness, talagang nagmarka sa amin at sa lahat ng mga nakapanood sa celebrity screening ng pinakabagong serye ng Kapamilya Network ang mga eksena nina Andrea at Angel bilang magnanay!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


As in patalbugan talaga sila sa aktingan! Lalo na sa mga confrontation scene nila. Walang gustong magpatalbog dahil pareho silang nag-shine nang bonggang-bongga sa nasabing eksena.

Kaya naman sa naganap na Q&A session after the screening, natanong si Andrea kung ano ang feeling na nakatrabaho niya si Angel sa “Senior High” bilang nanay niya.

“Gusto ko lang pong sabihin na sobrang saya ko po na nakatrabaho ko si Miss A. Sobrang bait po ni Miss A. Medyo weird lang po kasi, actually crush ko po talaga si Miss A! Crush ko talaga siya. Pero, nanay ko siya rito. Tapos kailangan kong mainis sa kanya.

“Mahirap po yun on my end. Pero, napakagaling po ni Miss A, na sobrang totoo siyang tao, na masarap siyang kakuwentuhan. And very supportive po si Miss A.

“Kalog din po siya at nasasakyan din niya ang kabaliwan ko sa taping. Kaya thank you so much Miss A! Ang ganda-ganda niya! Hala, heto na naman ako. Ha-hahaha!” ang tila nahihiya pang pahayag ni Andrea.

“Of course, it’s an honor po talaga na makaeksena ang isang Miss Angel Aquino!” ang kinikilig pang sabi ng dalaga.

Sa tanong kung hindi ba na-intimidate si Andrea kay Angel, ang premyadong aktres na ang sumagot, “Ako ang na-intimidate sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sobra! Kasi napanood ko na ang mga materials niya, noon pa, bata pa lang siya. I’ve seen her works. I know how good she is.

“Natatakot lang ako, kasi hindi ko alam kung same lang ba kami ng proseso. So, I was kinda excited but also scared, working with her.

“Kasi, sa umpisa pa lang, I was hoping sana na mag-jell kami. And thankfully, I was so relieved, kasi ang sarap niyang kaeksena,” sey ni Angel.

Bigla uling sumingit si Andrea at humirit ng, “Bagay tayo Miss A!” Na sinagot naman ng seasoned actress ng, “Naku, ‘wag kayong ganyan. Ha-hahaha! Peace. Peace!”

Pagpapatuloy ni Angel, “Pero ‘yun nga, meron akong eksena, kasi siyempre unang araw pa lang namin, mahihirap na ang eksena. Tapos may isa na sobrang intense. She was telling me, bakit ayaw mong ipaglaban si ate?

Baka Bet Mo: #Jojowain: Si Ivana Alawi na nga ba ang nagpapasaya ngayon kay Joshua Garcia?

“I was having a hard time, getting there. And she just held my hands, and she looked at me. She connected with me. And after that, parang everything just go between us. I’m very thankful for the times that she was there to support me,” pagbabahagi pa ni Angel.

Reaksyon naman ni Andrea, “Gusto ko lang pong sabihin na sobrang galing ni Miss A. At alam ko sobrang layo talaga physically ni Tanya (role ni Angel sa Senior High) kay Miss A. Pero, sobrang patient niya sa mga tattoo niya.

“Sobrang galing niya, to the point na nati-trigger na ako sa ibang eksena namin, kasi talagang kuhang-kuha niya ang mga moms na ganito. Minsan natatakot ako, na nadadala na ako, na parang masyado nang totoo!” pahayag pa ni Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Makakasama rin sa “Senior High” sina Elijah Canlas, Juan Karlos, Kyle Echarri, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat at iba pang pambatong youngstars ng ABS-CBN.

Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC, tampok din sa Dreamscape Entertainment production na ito sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.

Napapanood na ang “Senior High”, Lunes hanggang Biyernes, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heaven, patuloy na trending sa socmed; DJ Chacha binatikos sa pag-epal sa relasyon ng iba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending