Heaven, patuloy na trending sa socmed; DJ Chacha binatikos sa pag-epal sa relasyon ng iba | Bandera

Heaven, patuloy na trending sa socmed; DJ Chacha binatikos sa pag-epal sa relasyon ng iba

Therese Arceo |August 15,2021
facebook
share this

Heaven, patuloy na trending sa socmed; DJ Chacha binatikos sa pag-epal sa relasyon ng iba

Therese Arceo - August 15, 2021 - 10:11 PM


MATAPOS ang pa-dyowa reveal nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo, patuloy naman ang pag-trending ng dalaga sa internet.

Ayaw magpaawat ng mga netizens at mala-Teddie Salazar ang ganap sa “ungkatan ng past” series ng mga statements ni Heaven noon.

Marami kasi ang naimbyerna dahil todo deny pa raw ito noon pagkatapos ay biglang aamin na parang walang nasaktang tao.

Nauna nang lumabas ang statement niya noong madawit ang kaniyang pangalan sa hiwalayang Kiko Estrada at Devon Seron.

Matatandaang pinabulaanan ng aktres na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.

Ngayon naman ay lumalabas ang kaniyang sagot sa “Tonight With Boy Abunda” noong 2019 nang tanungin siya kung nagka-anxiety attack siya matapos ma-bash ng McLisse fans.

“Masakit, Tito Boy, na kahit hindi po totoo. Pero dahil tao lang po ako, nasasaktan so masakit. Parang sinasabi po nila na parang nang-agaw daw ako, e hindi naman po gano’n, Tito.

“Sa akin po kasi, ‘yun po ang ibinigay, bakit po ako tatanggi sa biyaya? Sana lang naiintindihan po nila na wala akong inaagaw,” naging sagot ni Heaven.

Nagkatrabaho kasi ang dalawa sa “Wansapanataym presents: Mr. CutePido”.

Isang statement rin mula sa kaniyang vlog na “Jojowain o Totropahin” kung saan kasama sa choices si Kiko Estrada ang muling inungkat ng netizens.

“Kiko Estrada. Oooo…. Actually, crush ko siya dati. Hindi alam ng mga tao yon. Kasi, dati pag nagkakaroon ako ng crush, like mga 2 days lang, no joke… tapos hindi ko na crush. Sabi ko, ‘Ma, ang gwapo talaga.’ Crush ko talaga ‘to dati. ‘Dati’ kasi… Pero siyempre ngayon may jowa siya, so ‘Totropahin.’ RESPECT. RESPECT,” sagot ni Heaven.

Bukod pa rito, marami rin ang patuloy na nagsasabing sinungaling ang dalaga.

Sa kabilang dako, rumesbak naman sa patutsada ni DJ Chacha sa Twitter ang mga sumusuporta sa aktres.

“Huwag niyo kaugalian mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba,” tweet ni DJ Chacha na saktong sakto ang pagkaka-post matapos mag-viral ang relationship reveal ng dalawa.

Sagot naman ng isang netizen,” Para kanino ba yang tweet mo na yan? Kung ‘di ka naman involved, huwag na lang makialam.”

Hirit pa ng isang netizen, “Mas maganda na ‘wag nalang pumuna na hindi naman alam lahat ng side ng isang story. Perfect ka?”

“Kapag walang name drop, ‘wag mag-assume na para sa’yo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan ‘yon nu’ng nag-post. Ibig sabihin no’n, guilty ka,” tweet muli ni DJ Chacha.

“‘Wag niyo din po kaugaliang mag-bitaw nang statement without knowing the real truth para maka-hakot nang susupporta sa inyo. Makakasanayan niyo ‘yan. Masama maging chismosa. Hanggang sa pagtanda, madadala niyo ‘yang ugali na ‘yan. Baka maipamana mo pa. Piece of advice lang.” sagot naman ng isa pang netizen.

Sa kabila ng pangba-bash at pagtawag ng kung ano-ano sa dalaga ay nananatili itong tahimik sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Heaven ukol sa isyu na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending