Ruffa kay Carmina: Girl, walang overlapping, ikaw ang unang crush ni Zoren | Bandera

Ruffa kay Carmina: Girl, walang overlapping, ikaw ang unang crush ni Zoren

Ervin Santiago |August 30,2020
facebook
share this

Ruffa kay Carmina: Girl, walang overlapping, ikaw ang unang crush ni Zoren

Ervin Santiago - August 30, 2020 - 09:56 AM

 

ALIW na aliw ang mga nakapanood sa nangyaring tsismisan at “laglagan” sa pagitan ng magkakaibigang Carmina Villarroel, Ruffa Gutierrez at Aiko Melendez.

Nag-live streaming sa social media ang tatlong aktres na nagsilbi rin nilang reunion makalipas ang ilang taon.

Siyempre, umaatikabong throwback chikahan ang naganap sa muli nilang pagba-bonding kahit sa pamamagitan lang ng video call.

Halatang super na-miss nila ang isa’t isa sa naging takbo ng kanilang bonggang-bonggang catch up moments.

Kaya naman ang request ng fans sana raw ay muli silang magsama-sama sa isang project. Komento pa nga ng ilan, perfect sa kanila ang isang talkshow.

Samantala, habang nagkukuwentuhan ang tatlo ay biglang nag-join ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi.

Dito ay walang kaabug-abog na tinanong ni Carmina kung ano ang feeling na nagkaharap uli ang mag-ex na sina Zoren at Ruffa.

Sagot ni Zoren, “Wala naman kaming bad blood sa isa’t isa e.”

Sey naman ni Ruffa, “Oo naman! Ang dami naming ginawang movies.”

Biro pa ng aktor, may pagkakataon daw na nag-uusap sila ni Ruffa nang hindi alam ni Carmina.

“Hindi mo alam kapag natutulog ka nag-uusap kami niyan. Sabi niya ‘huwag mong ipaalam kay mare ha, na nagti-text ako!'” natatawang sey ni Zoren.

 

Hirit ni Ruffa sa sinabi ni Zoren, “Grabe naman!”

 

“Joke lang! Magkakaibigan naman lahat. ‘Yun ang maganda sa amin,” agad namang bawi ng aktor.

 

Inalala rin ni Ruffa ang panahon na nag-lunch sila nang sama-sama, “Nag-lunch pa nga tayo noon nung naghiwalay kayo ni Rustom, ‘di ba?”

 

Hirit naman ni Zoren, “Zoren left the group.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Siniguro rin ni Ruffa kay Carmina na, “Girl, wala namang overlapping! Ikaw ang unang crush niya. Ikaw talaga ang crush ni Zoren pero bata ka pa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending