Maganda at magaling na aktres pinagseselosan ng dyowa ng kanyang leading man, bakit kaya? | Bandera

Maganda at magaling na aktres pinagseselosan ng dyowa ng kanyang leading man, bakit kaya?

Reggee Bonoan - August 24, 2023 - 06:43 PM

Maganda at magaling na aktres pinagseselosan ng dyowa ng kanyang leading man, bakit kaya?

LOKANG-LOKA ang maganda at magaling na aktres sa kapwa aktres na dyowa ng leading man niya sa isang TV series dahil pinagseselosan pala siya.

Nalaman lang niya ito nang minsang magkaroon ng bonding with inuman ang buong cast ng TV series dahil patapos na ito na nadulas ang isa sa cast na nakakaalam ng senaryo.

Sabi raw ng co-star ng aktres,“Huy, alam mo ba jelly sa ‘yo si (aktres na dyowa ng leading man)?”

Parang nagulat din ang leading man at nagpaliwanag, “hindi ganu’n, mahilig lang manukso ‘yun, marami naman saka wala ‘yun.”

Natatawa lang daw ang maganda at magaling na aktres at sabay sabing, “let’s drink to that, ha, ha, ha. Guys, work lang tayong lahat, pamilya tayo at walang talo-talo.”

Saka nagtawanan ang lahat pero siyempre tumanim ito sa maganda at magaling na aktres dahil unang-una wala siyang record na nangaliwa o pumasok sa relasyong may sabit ang guy at higit sa lahat masaya siya sa kasalukuyan.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor iniiwasan dahil sa hilig sa ‘ex deal’, pati mga producers nabobola

Ang ikinatataka lang din ng ibang nakarinig ay maganda ang aktres na dyowa ng leading man bakit nai-insecure siya? Ibig bang sabihin ay may record na itong nangaliwa?

Nagbalik-tanaw kami at in fairness sa leading man ng maganda at magaling na aktres ay wala rin kaming maalalang nangaliwa ito o dumaan sa pagbibilang ng dyowa dahil may tapaojo ito sa mata tulad ng inilalagay sa kabayo para limitado lang ang nakikita.

Iniisip namin na baka nagpapansin lang ang aktres na dyowa ng leading man kasi baka nawalan ito ng oras sa sobrang busy nito sa trabaho dahil bukod sa series ay may pelikula rin itong pinaghahandaan.

O baka kasi si aktres na dyowa ng leading man ay hindi busy kaya kung anu-ano ang naiisip.

Going back sa maganda at magaling na aktres ay nauna na pala itong magbabu sa kuwento ng TV series.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba Pang Blind Items:
Mahusay na aktor nagiging madaldal kapag nakakainom, pinagbawalang lapitan ang anak?

Aktres turn-off sa aktor na nakasama sa project, gumawa ng ingay para pag-usapan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending