Aktres turn-off sa aktor na nakasama sa project, gumawa ng ingay para pag-usapan? | Bandera

Aktres turn-off sa aktor na nakasama sa project, gumawa ng ingay para pag-usapan?

Reggee Bonoan |May 05,2023
facebook
share this

Aktres turn-off sa aktor na nakasama sa project, gumawa ng ingay para pag-usapan?

Reggee Bonoan - May 05, 2023 - 06:48 PM

Aktres turn-off sa aktor na nakasama sa project, gumawa ng ingay para pag-usapan?
TURN-OFF ang aktres sa aktor na nakasama niya sa project dahil gumawa ito ng ingay tungkol sa kanilang dalawa para pag-usapan sila na wala namang kinalaman sa proyekto nila.

Ito ang tsika mismo ng aktres, “nagulat lang ako kasi parang out of the blue ‘yung isyu na, ‘saan ka nanggagaling?’ Parang hindi naman related sa movie natin?”

Hindi raw pinansin ng aktres ang ingay na ginawa ng aktor dahil katwiran niya ay hindi totoo pero lumala na ang isyu at lumabas na siya pa ang masama.

Sabi naman ng taong may alam sa kuwento, “clueless talaga si (aktres) kasi wala namang pakialam ‘yan after work uwi na. Hindi naman siya mahilig gumimik o maki-tsika. Pag nasa set kuwentuhan sila ni (aktor) pero after work, babu na.

“At iyon pala ang mismong manager ni (aktor) pala ang nagsabing gumawa ng ingay ang alaga niya. Actually hindi ito alam ni (aktres) kasi ayaw na niyang pag-usapan o makarinig anything from him (actor).

“Ang sabi para maging maingay ang project nila dapat ganito o ganyan tapos ikutin ang kuwento. May mga candid shots na nakunan yung dalawa (aktor at aktres) habang break time na siguro nagkukwuwentuhan tapos masaya, hayun ginawan na ng isyu. PInalabas na si (aktres) ang gumawa ng move at kesyo may dating pa.”

At dahil dito ay nagsabi ang management ng aktres na hindi na gagawa ng anumang project ang artist nila sa aktor kahit pa sabihing may chemistry sila.

“Feeling kagaling-galing ni (aktor), ha, ha, ha, ha check mo a ting niya parang ewan,” sabi kausap namin.

Si aktres ay tahimik lang kahit na anong kulit namin para hingan ng komento tungkol sa aktor. Wala nga siyang alam tungkol sa manager na nasa likod ng isyu kaya hindi na rin namin binanggit pa para hindi na makadagdag pa sa pagka-irita niya sa kapartner sa pelikula.

Related Chika:
Talent manager wapakels kahit nega ang ugali ng alaga, gumagamit ng ibang tao para pag-usapan ang talents

Kilalang aktor pasikretong gumagamit ng ‘gamot’ para kumalma sa shooting

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending