Talent manager wapakels kahit nega ang ugali ng alaga, gumagamit ng ibang tao para pag-usapan ang talents | Bandera

Talent manager wapakels kahit nega ang ugali ng alaga, gumagamit ng ibang tao para pag-usapan ang talents

Reggee Bonoan |March 24,2023
facebook
share this

Talent manager wapakels kahit nega ang ugali ng alaga, gumagamit ng ibang tao para pag-usapan ang talents

Reggee Bonoan - March 24, 2023 - 08:17 PM

Talent manager wapakels kahit nega ang ugali ng talent, gumagamit ng ibang tao para pag-usapan ang alaga
NAKAKA-TURN off ang talent manager na gumagamit ng ibang tao para pag-usapan ang mga talents niya dahil naniniwala siya na kahit negatibo ang mga balita ay publicity pa rin ito.

May alaga ang talent manager na laging nasusulat ng hindi maganda dahil sa ugali nito na kadalasan ay inirereklamo ng mga ka-trabaho sa production.

Pansin namin imbes na ayusin o patayin ang isyu ay dedma ang talent manager at nagpapa-interview pa siya na may halong gatong saka sasabihan ang mga nakakausap na reporter na ‘off the record.’ Ganu’n lagi ang senaryo.

Hanggang sa may ibang alaga ulit ang talent manager na nasangkot tungkol sa pelikulang ginagawa kung sino ang dapat mauna sa billing na ikinaloka ng producer.

“Nagde-demand ng billing, e, wala pa naman napapatunayan ang mga alaga niya? Hindi nga remarkable ang performance. Ayaw kasi niyang ipa-workshop, ayaw gumastos,” tsika ng taga-production.

Baka Bet Mo: Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

At heto ang siste, “para mapansin ‘yung alaga niya na dapat nasa taas ang pangalan, ibinalik ang dating isyu para pag-usapan. Trinace namin, eh, sa kanya galing kaya umingay na naman. Tapos dedma siya.”

Nagtagumpay naman ang pagbabalik ng isyu dahil may inquiry ngayon ang alaga niya para sa isang TV series, ha, ha, ha success ang plano.

Anyway, simple lang si talent manager, bait-baitan at galang-galangan kaya hindi halatang may mga pasabog din pagtalikod.

 

Related Chika:
Kilalang aktor pasikretong gumagamit ng ‘gamot’ para kumalma sa shooting

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending