Mahusay na aktor nagiging madaldal kapag nakakainom, pinagbawalang lapitan ang anak? | Bandera

Mahusay na aktor nagiging madaldal kapag nakakainom, pinagbawalang lapitan ang anak?

Reggee Bonoan |July 07,2023
facebook
share this

Mahusay na aktor nagiging madaldal kapag nakakainom, pinagbawalang lapitan ang anak?

Reggee Bonoan - July 07, 2023 - 07:09 PM

Mahusay na aktor nagiging madaldal kapag nakakainom, pinagbawalang lapitan ang anak?

GUILT feelings daw marahil ang nararamdaman ng mahusay na aktor kaya kapag nakakainom ay masyado itong madaldal.

“Gusto niya sigurong ilabas ‘yung nararamdaman niya, guilt feeling niya na hindi niya masabi basta, so kapag nakakainom nakukuwento niya sa mga kaharap niya. Siyempre ‘yung mga kaharap imposibleng hindi nakukuwento sa ibang kakilala,” sabi ng long time friend ng mahusay na aktor.

Family man at mapagmahal sa mga anak niya ang mahusay na aktor at naging saksi rin naman kami kung paano niya asikasuhin ang mga tsikiting niya noong bata pa sila at maging ngayong nasa teens na ay very tatay pa din siya siya.

Kaya lang sabi ng long time friend ng mahusay na aktor, “may kulang pa rin sa pagiging ama niya kasi may isa siyang anak na hindi niya nagagampanan ang obligasyon bilang ama kasi pinagbawalan siyang lumapit at ipakilala.”

Napakunot noo kami sa kuwento ng kaibigan ni aktor, tanong namin ay, ‘may ibang anak siya?

Baka Bet Mo: Aktres na mahusay umarte at marunong makisama hindi bet ng mga producers, bakit kaya?

“Oo, pero hindi niya puwedeng aminin at hindi rin malapitan kasi bawal at ayaw din niya (mahusay na aktor) ng isyu lalo’t tahimik ang buhay ng bagets sa ibang bansa kasi doon nag-aaral,”tsika sa amin ng friend ng aktor.

Nalaman daw ng aktor na sa ibang bansa mag-aaral ang lihim na anak at nagplano itong pumunta para dalawin pero binalaan siya ng kinikilalang ama ng anak kaya para raw walang isyu, hindi na niya nagawang puntahan at magpakilala.

Maimpluwensiya ang kinikilalang ama ng anak kaya tiklop ang mahusay na aktor ang tanging panalangin na lang niya ay sana dumating ang time na malaman ng anak ang tunay nitong ama.

Samantala, sa parte naman ng aktor ay alam daw ito ng kanyang asawa pero hindi alam ng kanyang mga anak na may kapatid sila na hindi anak ng mama nila.

“Nakikita lang na tigasin si (mahusay na aktor) pero naiiyak ‘yan pag naalala niya ang anak kaya idinadaan sa inom pagkatapos ng trabaho,” kuwento ng long time friend ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Magaling na aktor nanghinayang nang palitan sa bonggang project; loveteam nina Gelli at Cris ang lakas magpakilig

Female singer nagbago na nga ba ang boses, tinakasan ang faney na bet magpa-picture?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending