Aktres na mahusay umarte at marunong makisama hindi bet ng mga producers, bakit kaya? | Bandera

Aktres na mahusay umarte at marunong makisama hindi bet ng mga producers, bakit kaya?

Reggee Bonoan |June 03,2023
facebook
share this

Aktres na mahusay umarte at marunong makisama hindi bet ng mga producers, bakit kaya?

Reggee Bonoan - June 03, 2023 - 06:45 PM

Aktres na mahusay umarte at marunong makisama, hindi bet ng mga producers, bakit kaya?
MAHUSAY umarte, marunong makisama at walang attitude ang kilalang aktres na ilang beses na ring nominado sa kanyang mga projects pero lagi siyang tinatanggihan kapag binabanggit ang pangalan niya sa mga producer.

Sa usapan ng mga producer at direktor ay may kanya-kanya silang paboritong mga aktres at aktor at kanya-kanyang bidahan ng mga project na naibigay na nila sa mga ito at nanalo sila ng award.

Laging may isinasa-suggest na kilalang aktres ang co-producer nila pero laging thumbs down ang nakukuhang sagot na ikinatataka namin kung bakit lalo na’t bagay naman sa kanya ang mga karakter nitong gagampanan.

“Parang wala kasi siyang appeal? ‘Yun lang tingin ko,” sabi kaagad ng producer na marami ng pelikulang na-produce.

Inisip namin ang sinabing walang appeal, meron naman sa tingin namin depende sa karakter na gagampanan.

Baka Bet Mo: Magaling na aktor na napiling bida sa bagong pelikula biglang pinatanggal ng TV executive, may favoritism yarn!?

May binanggit na pangalan ng dalawang aktres na mas type raw ng mga nagti-tsikahang producers at directors kumpara sa kilalang aktres na walang appeal daw.

‘Yung isang aktres ay okay naman umarte base sa napanood naming series niya at sossy ang beauty at pumorma.

Ang ikalawa ay matangkad at sexy, pero hindi siya sexy star, huh. Maganda ang mukha at morena.

Sa mga nabanggit na comparison ay iisa ang ibig sabihin, gusto ng sexy at sossy pumorma plus matangkad.

Si kilalang aktres kasi ay hindi matangkad at simple lang pumorma pero lampaso naman niya ang nabanggit na dalawang aktres pagdating sa pag-arte.

Siyempre producer pa rin ang masusunod kaya laglag ang kilalang aktres. Nahihinayang lang.

Related Chika:
Kilalang female celeb ang tagal-tagal na sa showbiz pero hindi pa rin marunong umarte

Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magaling na aktor nanghinayang nang palitan sa bonggang project; loveteam nina Gelli at Cris ang lakas magpakilig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending