Female singer nagbago na nga ba ang boses, tinakasan ang faney na bet magpa-picture? | Bandera

Female singer nagbago na nga ba ang boses, tinakasan ang faney na bet magpa-picture?

Reggee Bonoan |July 07,2023
facebook
share this

Female singer nagbago na nga ba ang boses, tinakasan ang faney na bet magpa-picture?

Reggee Bonoan - July 07, 2023 - 06:27 PM

Female singer nagbago na nga ba ang boses, tinakasan ang faney na bet magpa-picture?
GALING pa ng Norte ang kaibigan namin at sinadya niya ang dating sikat na female singer sa kanyang gig sa Makati City dahil nga gustung-gusto niya ito pero nadismaya nang marinig kumanta.

Kasama ang co-workers ng kaibigan namin na gumugol ng ilang oras sa biyahe para lang panoorin ang gustung-gusto niyang female singer at sakto dahil hindi pa nagsisimula nang makarating sila sa venue.

“Excited kaming lahat siyempre kasi ito ‘yung mapapanood ulit namin siya (female singer) after niyang mawala tapos nagkaroon pa ng lockdown kaya sarado lahat ng bars and resto.

“Hindi ko kasi matiyempuhan late ko nalaman na nagi-gig siya, e, lagi namang natatapat na hindi ako makaalis kaagad sa office, e, nu’ng (petsa ng show) nakatiyempo kaya larga agad kami nina (pangalan ng mga kaibigan).

“Marami pa ring may gusto sa kanya (female singer) kasi halos puno naman ‘yung (venue) medyo nasa bandang likod na nga kami, eh.

Baka Bet Mo: Kilalang aktres magaling nga pero grabe ang kadramahan sa buhay, bigla na lang nawawala sa shooting

“Nu’ng naka apat na kanta na medyo iba na ang boses parang nanginginig na, ang layo-layo sa dati, pero okay lang.

“Kanya-kanyang request na ng songs, siyempre alam naman natin may palaman sa tissue di ba? Nagkatuwaan patak-patak kaming apat kaya medyo malaki ‘yung nalagay. Request kami ng 3 songs, isa lang kinanta kasi marami raw requests pa.

“Nag-request na lang kaming magpapa-picture kami pinasabi namin sa waiter since malayo pa kami galing, e, nakita namin parang um-oo tapos after ng set, hindi na nagpakita, nu’ng tinanong namin umalis na raw.

“Grabe, ramdam mo ‘yung ang layo ng binyahe mo tapos simpleng pa-picture lang hindi pa napagbigyan? Dati naman hindi kasi napanood na rin namin siya dati sa gig niya sa (Quezon City). Okay lang hindi na ganu’n kaganda ang boses,” mahabang hinaing ng aming kaibigan.

Katwiran namin na matagal nabakasyon kaya matagal ding napahinga ang boses at ngayon nga lang din namin narinig na bumalik na siyang mag-gig.

Pero sana nga makabalik siya sa concert scene na isa sa most requested ka-collab ng mga kilalang male singers.

Related Chika:
Sikat na aktres nahawa sa pagbibisyo ng dating karelasyon kaya pasaway sa trabaho: ‘OK na siya ngayon, hiwalay na sila ng guy’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending