Kilalang aktres magaling nga pero grabe ang kadramahan sa buhay, bigla na lang nawawala sa shooting | Bandera

Kilalang aktres magaling nga pero grabe ang kadramahan sa buhay, bigla na lang nawawala sa shooting

Reggee Bonoan |June 28,2023
facebook
share this

Kilalang aktres magaling nga pero grabe ang kadramahan sa buhay, bigla na lang nawawala sa shooting

Reggee Bonoan - June 28, 2023 - 10:01 AM

Kilalang aktres magaling nga pero grabe ang kadramahan sa buhay, bigla na lang nawawala sa shooting

Guess, guess who na!?

TOTOO nga ang tsismis na maraming drama sa buhay ang isang aktres kapag may ginagawa itong serye o pelikula.

Naikuwento sa amin ng ilang co-stars ng aktres ang mga kadramahan nito sa kanilang set.

Kuwento ni Aktres A, “Actually, ako natawa lang kasi may mga nagsabi na sa akin na ganu’n nga raw siya.

“Months ago pa nakaplano na ‘yung gagawing series, nagkaroon na ng look test, may mga inayos ng susuutin, nabigay na ang script, nagkaroon na ng workshop with other cast, okay na lahat, waiting na lang sa first taping day.

“Heto na, two days before the taping day, tumawag mismo si ____ (aktres) sa direktor at kung puwedeng pass muna siya sa first taping day kasi kailangan niyang pumunta somewhere kasi emergency, something like that. E, sa kanya naka-focus ang first day,” kuwento sa amin.

Patuloy ng aming kausap, “Naloka ang lahat, lalo na si direk kasi may airing date na, eh, kaya kailangan niyang ipaliwanag sa network, kasi isang linggo yatang mawawala si ____ (aktres).”

Baka Bet Mo: Dennis: Hindi po kabit serye ang ‘Legal Wives’ kahit 3 ang magiging asawa ko

Pero in fairness naman daw kapag nasimulan nang mag-taping ni aktres ay dire-diretso na at talagang matutuwa lahat dahil hanggang take 2 lang bukod pa sa mabait nga siya sa lahat.

Sabi naman ni Aktres B, “Ha-hahahaha! At least nagsabi bago kayo mag-taping, e, ‘yung kami, biglang nawala pagkatapos kunan ng isang eksena.

“Umalis mismo sa set kasi masakit daw ang tiyan hindi na niya kaya. So, tinanong ni direk kung babalik kasi baka alam mo na, call of nature lang at hindi sanay sa ibang lugar kaya umuwi. Sabi babalik nga raw, ‘Day inumaga na kaming lahat, hindi na bumalik, classic, di ba?

“Kaya the next day sinabihan na kailangang matapos lahat ng kukunan kasi hinahabol ‘yung liwanag or something.

“Okay naman natapos din agad. Pero sa 2nd taping day na, super late na dumating kasi masakit daw ulo niya, hindi raw nakatulog. E, may magagawa ka pa ba, e, di okay na lang,” sabi pa sa amin.

Anyway, kahit na maraming drama ang aktres ay may mga kumukuha pa rin naman sa kanya kaya sana pagbutihin niya dahil kapag nagsawa na ang mga tao sa mga kadramahan niya ay baka tuluyan na siyang mawalan ng trabaho.

* * *

Sagot ng iWantTFC ang movie marathon ng mga manonood ngayong Hulyo dahil tampok dito ang iba’t ibang kwento tungkol sa pag-ibig, horror, action, at mga pelikula at seryeng pinagbidahan nina Claudine Barretto at Judy Ann Santos.

Siguradong hindi mabibitin ang fans nina Claudine at Juday kapag pinili ang “Queen Juday and Klaw’s Showstoppers” selection. Mapapanood dito ang ilan sa kanilang pinakamamahal na karakter sa mga palabas na “Nasaan Ka Man” at “Milan” ni Claudine, at ang “Kasal, Kasal, Kasalo,” at “‘Til There Was You” ni Juday.

Siksik sa kilig naman ang mga palabas sa “‘90s Classic Romance” selection. Nariyan ang “Hey Babe” nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, “Sana Maulit Muli” nina Aga Muhlach at Lea Salonga, “Dahil Mahal na Mahal Kita” nina Rico Yan at Claudine, at ang seryeng “Sa Sandaling Kailangan Mo Ako” tampok sina Kristine Hermosa, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at iba pa.

Sa “The One That Got Away” selection, mapapanood ang mga tagos sa pusong kwento tungkol sa pag-ibig. Pwedeng i-stream ang “Hello, Love, Goodbye,” “Exes Baggage,” “Meet Me in St. Gallen,” at “My Ex and Whys.”

Ivana Alawi nahirapan sa drama scenes sa ‘A Family Affair’: Kapag umiiyak ako, yung pabebe lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glaiza nanikip ang dibdib habang kinukunan ang drama scene: Grabe, hindi talaga ako makahinga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending