Sikat na aktor laging mainit ang ulo sa mga kasama sa bahay

Sikat na aktor laging mainit ang ulo sa mga kasama sa bahay

Reggee Bonoan - February 17, 2025 - 09:10 AM

Sikat na aktor laging mainit ang ulo sa mga kasama sa bahay

Guess, guess who!?

HINDI siguro masaya sa buhay niya ang kilalang aktor dahil laging mainit ang ulo nito sa mga kasama niya sa bahay.

Tsika ng isa niyang kasama sa bahay, “Para siyang babaeng laging nireregla, laging nagagalit kahit sa maliliit na bagay.”

Pati ang karelasyon daw ng aktor na aktres na kilalang mabait at maayos kausap ay umaalma na rin at naringgan na nagsabing, ‘malapit na akong mapuno, ha!’”

Pero parang bingi raw ang kilalang aktor dahil hindi nito pinansin ang babala ng karelasyon na sa kasalukuyan ay nasa lock in shooting.

Baka Bet Mo: Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!

Naihinga raw dati ng kilalang aktor sa kaibigan niya na may pinagdadaanan siya kaya madalas ay mainit ang ulo niya pero kapag hindi naman ay sobrang lambing nito at talagang hindi pag-iisipang mainitin ang ulo.

* * *

Ang mainit na pinag-uusapang seryeng “Saving Grace: The Untold Story” na napapanood dati sa Prime Video ay mapapanood na sa free TV simula sa Marso 3 sa Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at iWantTFC at TFC.

Kung ang “Incognito” ay nagna-number 1 sa Netflix gayun din ang “Saving Grace” sa Prime Video.

Ang “Saving Grace: The Untold Story” ay Philippine adaptation ng Japanese series “Mother” na produced ng Nippon TV at sinulat naman ni Yuki Sakamoto ang script.

Kuwento ito ng isang teacher na si Anna (Julia Montes) na na-involve sa isa niyang estudyante na si Grace, (Zia Grace).

Tinulungan ni Anna si Grace na may pinagdadaanang pang-aabuso sa tunay niyang ina (Jennica Garcia).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang official trailer ng “Saving Grace: The Untold Story” ay ni-release na ng Prime Video at ang mga bida ay sina Janice de Belen, Sam Milby, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso at Sharon Cuneta mula sa direksyon ni FM Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending