Kilalang aktor iniiwasan dahil sa hilig sa 'ex deal', pati mga producers nabobola | Bandera

Kilalang aktor iniiwasan dahil sa hilig sa ‘ex deal’, pati mga producers nabobola

Reggee Bonoan |August 24,2023
facebook
share this

Kilalang aktor iniiwasan dahil sa hilig sa ‘ex deal’, pati mga producers nabobola

Reggee Bonoan - August 24, 2023 - 08:20 AM

Kilalang aktor iniiwasan dahil sa hilig sa 'ex deal', pati mga producers nabobola

MARAMING make-up artist na umiiwas sa kilalang aktor dahil mahilig daw ito sa ex-deal.

Ang kilalang aktor ay magiliw makipag-usap kaya napapayag niya ang mga kilalang make-up artists at libre ang serbisyo sa pangakong kapag may malaki siyang raket o kaya photo shoot para sa TVC ay babalikan niya ang mga ito bilang pambawi.

Kaya naman asang-asa ang mga pinangakuan ng kilalang aktor pero laking gulat nila na nakailang TVC shoot na ay hindi man lang sila naalala.

“May ibang kinukuha, ‘yung mas sikat pa sa mga pinangakuan niya kaya simula no’n hindi na siya pinagbibigyan kapag tinatawagan sila,” kuwento ng kaibigan ng isa make-up artist.

Actually, may mga narinig na rin kami tungkol sa kilalang aktor na bukod sa nagka-ere na ay mahilig na itong mangako na laging napapako.

Pati raw sa mga producer na bagong kakilala ay nabobola na kaya laging kasama sa mga projects lalo na pag indie films.

Baka Bet Mo:  Pia Wurtzbach gigil na gigil sa mga bastos at walang respeto sa waiter, security guard: ‘Kadire talaga yuck!’

Hmm, marunong naman umarte ang kilalang aktor kaya okay lang din kung ibenta niya ang sarili ‘yun nga lang parang wala kaming nabalitaang kumita ang mga pelikula niya kahit pa noong wala pang pandemic, e, di mas lalo na siguro ngayon na lahat ng local movies ay mahina.

“Wala pa naman siyang movie after pandemic, magkakaroon palang,” say ng aming kausap.

Palibhasa hindi naman namin nasusubaybayan ang projects ng kilalang aktor kaya wala kaming alam pero alam naming marunong talaga siyang umarte hanggang doon lang.

Kasi kung tatanungin din kami kung guwapo o cute ang kilalang aktor, e, diretso naming sasabihing ‘hindi.’

Ang bansag sa aktor ay, ‘ang lalaking mahilig sa ex-deal.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba Pang Blind Items:
Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto

Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending